Wednesday, July 18, 2018

Zanjoe at Empoy Handa Na Maging Kusina Kings

Pareho na magaling sa comedy ang mga aktor na sina Zanjoe at Empoy kahit sila ay polar opposites. Ang matipunong housemate na napatunayan ang kanyang pagiging magaling na artista sa comedy o drama ay sasabak uli para magpatawa. Si Empoy naman ay fresh pa mula sa success ng kanyang pelikula na “Kita Kita” at sa primetime na teleserye na “Since I Found You.”

Dahil dito, isang kakaibang tambalan ang ginawa ng Star Cinema para sa pelikula nilang KUSINA KINGS. Mula sa title pa lang ay malaki na ang kinalaman ng pagkain sa storya kung saan sila ay sasabak sa isang competition para sa ikaka salba ng kanilang restaurant.

Kasama din nila sa pelikila ay sina Ryan Bang, Nathalie Hart, Maxine Medina, Jun Sabayton, Hyubs Azarcon, Nonong Ballinan, Joka Labayen, at Tiny Corpuz. Mayroon ding special participation si Chokoleit at Jayson Gainza. Ito ay sa direksyon ni Viktor Kaiba Villanueva na siyang nag direk ng pelikulang “Patay Na Si Jesus” na naging bahagi bg Pista ng Pelikilang Pilipino.

Medyo magkaiba ang tema ni Kusina Kings dahil sa pagkakaroon ng cooking competiton at karamihan sa kanila ay mga komedyante rin. Andito rin sina Nathalie Hart at Maxine Medina na pandagdag sa sexy female comedy para sa pelikula.

Tila maraming sahog na comedy ang movie na ito na ipapalabas na sa July 25, 2018 at doon masusubukan kung pasado ito sa panlasa ng masa.






No comments:

Post a Comment

Jamie Foxx and Cameron Diaz star in BACK IN ACTION, premiering November 15

On Wednesday, May 15th at 1pm PT, Netflix debuted the first-look photos and launch date for its upcoming action film, Back in Action. The fi...