Tuesday, July 17, 2018

Sino si Macoy Mendoza? Papasa Kaya Ang Baguhan Sa Kantahan?

Isa sa mga nagperform sa kakatapos lang na concert ni Prima Diva Billy ay si Macoy Mendoza na isa sa mga tinilian ng kanyang fans. Para sa 18 na taon na singer, ito ang kanyang first time na mag perform sa malaking stage kasabay ang magagaling na mang-aawit tulad nila Kiel Alo, Willy Jones at pati na si Aj Tamiza at Le Chazz.

Si Macoy Mendoza ay nagsimula ng kanyang career sa pagkanta noong 15 years old pero nakuha niya ang kiliti ng marami kung saan nagkaroon siya ng mga fans. Sa ngayon ay hindi pa niya nasubukan na sumali sa mga singing contest tulad ng The Voice o The Clash. Pero kung pakikingan ang kanyang rendition ng "If I Was Your Man" at "Dancing On My Own," makikita ang laki ng range niya upang kantahin ang mga ito.

Bata pa na maituturing si Macoy Mendoza, na walang kinalaman sa Hashtags na si McCoy de Leon o kay Dabarkads Maine Mendoza, pero mukhang malaki ang potential niya upang makipag sabayan sa mga singers ngayon. Marami siyang mga musical influences na halo ng local at international artists.

Nang tanungin namin kung sino ang gusto niyang makaduet, si Ariana Grande ang kanyang sagot na hindi malayo sa edad ni Macoy. At kahit wala pa siyang recording label ay nakita ang supporta ng fans sa kanyang unang stage performance.

Para makatulong na makilala si Macoy Mendoza, heto ang video ng aming interbyu namin sa kanya, at isang sample ng isa pang kanta upang kayo ang humusga sa kanyang talento.



No comments:

Post a Comment

Jamie Foxx and Cameron Diaz star in BACK IN ACTION, premiering November 15

On Wednesday, May 15th at 1pm PT, Netflix debuted the first-look photos and launch date for its upcoming action film, Back in Action. The fi...