Bagong mga programa ang pangungunahan nina Iza Calzado at Martin Nievera sa paglunsad ng “ANC-X” lifestyle block sa ANC, the ABS-CBN News Channel.
Hosting muna ang tututukan ni Iza Calzado sa “State of the Art”, kung saan tatalakayin niya ang kuwento ng mga alagad ng sining sa bansa.
Ang Philippine Concert King na si Martin Nievera naman, balik-talk show sa kaniyang programang “LSS: The Martin Nievera Show”. Dito makikita ang ibang side ni Nievera na babalansehin ang pagiging seryoso at kwela habang kapanayam ang mga kilala at respetadong personalidad sa Pilipinas.
Bukod sa “State of the Art” at “LSS,” maraming pang ibang mapapanood na local at international shows sa ANC-X lifestyle block na siguradong papatok sa mga mahilig sa pagkain, sa pagbyahe, fashion, at sining. Kabilang diyan ang “The Art Show” at “The Wine Show” na hosted by Matthew Goode at James Purefoy; ang “Executive Class” ni David Celdran; ang “Asian Air Safari” kasama si Capt. Joy Roa; at ang lifestyle program na “Green Living” at motoring show na “Rev” ni Paolo Abrera.
Dapat ding abangan sa ANC-X ang iba pang bagong programa tulad ng “The Booze Traveller” kasama si Jack Maxwell; “Show Me the Market” kasama sina Chef JP Anglo at food expert na si Joel Binamira; at ang “Beached” nina Marc Nelson at Maggie Wilson.
Isang pagtutulungan sa pagitan ng mga grupo sa news at lifestyle ng ABS-CBN ang ANC-X na naglalayong bigyan ng tamang timpla ng balita at lifestyle na programa ang mga manonood ng ANC sa araw-araw. Ani ABS-CBN Integrated News and Current Affairs Head at ANC Managing Director Ging Reyes, ang block ang magsisilbing pahinga ng mga manonood sa seryoso at mabibigat na balita.
Ibinahagi rin ni ABS-CBN Lifestyle Ecosystem head Paolo Pineda na maglulunsad rin sila ng website ng ANC-X para mas madali pang maabot ng mga manonood nito saan man sila naroroon.
Abangan ang “ANC-X” lifestyle block sa ANC via TFC satellite, IPTV at online (www.TFC.tv) platforms sa karamihan ng mga bansa sa mundo. Maaari ring mapanood ang ANC via cable sa piling mga bansa. Sundan ang @ancxph at @ANCalerts sa Twitter, Facebook, at Instagram o bumisita sa news.abs-cbn.com/anc. Maaari ring i-follow ang KapamilyaGlobalPR at KapamilyaTFC sa Facebook, Twitter at Instagram.
No comments:
Post a Comment