Friday, July 6, 2018

NCAA patuloy ang legasiya sa pagbubukas ng Season ‘94

San Beda University dedepensahan ang kanilang dalawang magkasunod na kampeonato sa NCAA Season ‘94 na mapapanood live sa iba’t ibang TFC platforms

Ipagpapatuloy ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang paglinang ng mga dekalidad na atleta ng bansa sa pagbubukas ng NCAA Season ‘94 na gaganapin sa July 7 sa Mall of Asia Arena sa Pasay, na mapapanood sa labas ng Pilipinas via The Filipino Channel (TFC) sa nakararaming mga bansa worldwide simula July 7 (Manila time).


Ilang world-class na atleta na rin ang nagmula sa NCAA tulad na lamang ng two-time Olympic player na si Carlos Loyzaga mula sa San Beda University, na naging bahagi ng Philippine men’s national team sa Olympics noong 1952 at 1956. Nariyan din si Lauro Mumar, mula sa San Juan de Letran University, na naging bahagi ng national team na lumaban sa FIBA World Championship noong 1954 at na nakapag-uwi ng bronze medal.


Ilang mga dating NCAA players naman na gumagawa ng pangalan ngayon sa loob at labas ng bansa. Tulad na lamang ni Scottie Thompson mula sa University of Perpetual Help at ngayon ay naglalaro na para sa Barangay Ginebra San Miguel sa Philippine Basketball Association (PBA). Naging bahagi rin siya ng national team na lumaban sa Southeast Asian Games at SEABA Championship noon 2015, na parehong nakapag-uwi ng gintong medalya.

Isa rin si Baser Amer na mula naman sa San Beda University na ngayon ay naglalaro para sa kopunan na Meralco Bolts sa PBA. Naging bahagi rin siya ng national team na lumaban noong 2015 at 2017 sa Southeast Asian Games at parehong nakapag-uwi ng gintong medalya.

Patuloy na ibibida ng NCAA ang mga manlalaro ng bawat kuponan na mayroong pambihirang talento sa pagbubukas ng NCAA Season ‘94, upang patunayan na iba ang #GalingNCAA.

No comments:

Post a Comment

Grammy-winning global superstar Tyla adds to her historic debut album campaign

Photo credit Brent McKeever With a GRAMMY and two Billboard records under her belt, Tyla adds to the magic of her debut album before returni...