Saturday, July 28, 2018

Pinoys sa South Korea handa na para sa “MOR Global Pop Icon” auditions

Magsisimula na ang auditions para sa kompetisyon sa July 29 sa Hyehwadong Church sa Seoul, South Korea 

Mula Taiwan, lilipad naman patungong Land of the Morning Calm South Korea ang “MOR Global Pop Icon” upang humanap ng mga Pilipinong may pambihirang talento sa pag-awit via “MOR Global Pop Icon in Korea” auditions sa magsisimula sa July 29 sa Hyehwadong Church in Seoul, South Korea.

Ang “MOR Global Pop Icon” ay isang singing competition na binuo ng ABS-CBN, ang pinakamalaki at nangungunang Filipino-owned media and entertainment company, ng MOR 101.9 For Life! na opisyal na FM radio arm ng korporasyon sa Mega Manila, at hatid sa ibang bansa ng The Filipino Channel (TFC), ang flagship brand ng ABS-CBN subsidiary na ABS-CBN Global.


Layunin ng kompetisyon na bigyan ng pagkakataon ang mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa na ipamalas ang kanilang talento sa pag-awit sa global stage.

Upang magkaroon ng pagkakataon na maging bahagi ng kompetisyon, makibahagi sa on-ground o online auditions na magsisimula sa July 29.

Ang on-ground auditions ay gaganapin sa July 29, August 12, August 19, August 26, at September 2 sa Hyehwadong Church sa Seoul, South Korea. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay Roger Amboy at +821067201972.

Kung lalahok naman sa online audition, ito ay magsisimula sa July 29 hanggang September 2. Para sa karagdagang impormasyon kung papaano sumali sa online audition, bisitahin ang facebook.com/TFCKoreaOfficial.

Ang mapipiling kalahok ay tatawagan ng isang ABS-CBN representative.

Ibinabahagi naman ng TFC ang ilang karagdagang paalala bago sumali sa auditions:

Ang auditionee ay dapat edad 18 years old pataas
Magbigay ng katibayan na siya ay mayroong dugong Pilipino
Nagtatrabaho na sa ibang bansa bago pa magpadala ng audition piece

Matapos ang audition period, bibigyan ng pagkakataon ang publiko na pumili mula sa mga finalist ng tatanghaling TFC People’s Choice awardee. Ang makakakuha ng pinakamataas na boto mula sa publiko ang siyang makakuha ng nasabing titulo. Para sa karagdagang impormasyon kung papaano makakaboto, bisitahin ang facebook.com/TFCKoreaOfficial.

Filipino sa South Korea maghanda nang impamalas ang pangmalakasang song piece at mag-audition sa “MOR Global Pop Icon in Korea” para sa pagkakataong makasama sa grand finals na gaganapin sa Pilipinas.



Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kompetisyon, bisitahin ang facebook.com/TFCKoreaOfficial. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.

No comments:

Post a Comment

Regina Song to Bring “Fangirl: The Tour” to Manila next month!

Singapore-based singer-songwriter Regina Song is set to make her highly anticipated Philippine debut with Fangirl: The Tour next month. The ...