Sunday, May 27, 2018

Urian, ibibida ang OPM ngayong taon - 41st Gawad Urian, Inilabas Na

Pormal nang inanunsyo ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang mga nominado sa 41st Gawad Urian na magaganap na sa Hunyo 14 (Huwebes) sa ABS-CBN Vertis Tent at eere ng live sa Cinema One, 7pm. 

Nangunguna ngayong taon ang pelikulang “Respeto” na may 12 nominasyon kasama ang Best Picture, Best Director para kay Treb Monteras II, at Best Actor para sa rapper-actor na si Abra. Sumusunod naman ang Best Picture nominees na “Balangiga: Howling Wilderness” na may 10 nominasyon at “Tu Pug Imatuy” na may siyam na nominasyon. Kabilang din sa Best Picture nominees ang “The Chanters” na may pitong nominasyon, at “Birdshot” at “Bhoy Intsik,” na parehong may tig-anim na nominasyon.

Wednesday, May 23, 2018

Bela Padilla at Negi ibabahagi ang #JustLove ArawAraw celebrations sa Taiwan”

Pupunuin ng Kapamilya artists ng pag-ibig at kasiyahan ang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan, Migrant Workers’ Day at 3rd FILCOM Friendship Fun Run, ng Filipino community sa Taiwan

Isang masaya at makulay na #JustLoveArawAraw celebration ang hatid nina actress-screenwriter na si Bela Padilla at Unkabogable Star Negi sa nalalapit na The Filipino Channel (TFC) hour na pinamagatang “Just Love Araw-Araw in Taiwan” sa June 10 sa New Taipei City Metropolitan Park (Xingfu Shuiyang Park) Sanchong District, New Taipei City, Taiwan.

Ang “Just Love Araw-Araw in Taiwan” ay bahagi ng selebrasyon ng 120th Philippine Independence at Migrant Workers’ Day na inihanda ng Manila Economic and Cultural Office (MECO), at ng 3rd FILCOM Friendship Fun Run na inorganisa ng Federation of Filipino Communities sa Taiwan.

Japanese alt-rock band Hitsujibungaku to perform in Manila for the first time in July 2024!

The trio behind the ‘Jujutsu Kaisen’ finale song are set to headline a four-city tour across Asia It’s official: Japanese alternative rock t...