Friday, July 13, 2018

Mga nagbabalik at nagkakabalikan, tampok sa Star Cinema anniversary offering “I Love You Hater”

Nagbabalik ang Queen of Media Kris Aquino at ang tambalang Joshua Garcia and Julia Barretto sa modern romance na tatalakay sa kung paanong ang katotohanan ang makakapagbaliktad ng sitwasyon

Bilang pagpapatuloy ng ika-25th anniversary ng Star Cinema, isang engrandeng film comeback at balik-tambalan ang handog ng ang film production at distribution unit ng ABS-CBN sa “I Love You Hater”.

Ang contemporary movie na mapapanood sa labas ng bansa via TFC@theMovies simula July 19, ang pagbalik-pelikula ng Queen of Media na si Kris Aquino. Huling napanood sa pelikulang “Feng Shui” noong 2014, nagbabalik si Aquino sa isang genre na madalas niyang kinalabasan bago siya nagawi sa linya ng horror.  

Sa pelikula, isa siyang online media mogul na si Sasha na hanap ang ultimate assistant na kayang sabayan ang laro ng kaniyang isip.

Ani director Giselle Andres, naisip nila si Aquino dahil perpekto ito para sa role.  “Wala kaming maisip na ibang artista para sa role kung hindi si Kris.  Inisip kong hindi naman niya ito tatangapin so bakit hindi (itanong).  At noong tinangap niya ito, laking gulat ko dahil wala akong naging problema. Napaka-professional niya,” pagtatapos ni Andres.

Ang “I Love You Hater” ay pagbabalik-tambalan din nina Joshua Garcia at Julia Barretto na huling nagsama sa pelikulang “Unexpectedly Yours” noong nakaraang taon.

Sa “I Love You Hater,” dalawa silang young professional na may nais patunayan sa kanilang pamilya at nais maatim ang kanilang mga pangarap.  Sa umpisa’y halos magalit sila sa isa’t-isa ngunit sa huli ay maiisip nilang dapat magpakatotoo sila sa kanilang sarili.  Sa panahon ng fake news at filters, papatanuyan ng pelikulang “I Love You Hater” na mas mangingibabaw ang katotohanan at kapatawaran.

Ani Aquino, ang forgiveness ay isang regalong mabibigay mo sa sarili mo.  “Forgiveness is not about the person saying sorry or because that person loved. Forgiveness comes because you are giving yourself the gift of forgiveness especially for the person you love and you loved.  You don’t have to say the words sorry to be able to forgive.”


Mapapanood ang “I Love You Hater” sa July 19 sa Brunei at Papua New Guinea, July 20 sa U.S., Canada, at Saipan, July 21 at 28 sa Thailand, July 26 sa Australia at New Zealand via TFC@theMovies.  Para sa karagdagang information, bisitahin ang mytfc.com o ang official TFC Facebook page sa inyong area.  Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at bisitahin ang KapamilyaGlobalPR at KapamilyaTFC via Facebook, Twitter at Instagram.

No comments:

Post a Comment

Regina Song to Bring “Fangirl: The Tour” to Manila next month!

Singapore-based singer-songwriter Regina Song is set to make her highly anticipated Philippine debut with Fangirl: The Tour next month. The ...