Wednesday, June 27, 2018

Ogie Alcasid at Maja Salvador, magsasama sa ‘The Songwriter meets the Wildflower’ sa Japan

Dalawa sa pinakamalalaking pangalan sa industriya ng showbusiness ang magsasama para sa next big event sa Japan – ang “TFC Live Presents: The Songwriter Meets the Wildflower” sa July 15 sa Handashi Fukusi Bunka Kaikan, 1-22-1 Kariyado-cho, Handa-shi, Aichi-ken 475-0918. Dito unang mapapanood ang pagsasama ng award-winning singer-composer na si Ogie Alcasid at ng lead actress ng iconic serye na “Wildflower” na si Maja Salvador sa isang hapon ng kantahan, sayawan, at samahan.

Sa kauna-unahang pagkakataon bilang isang Kapamilya star, dadalhin ni Alcasid, na hurado rin sa “Your Face Sounds Familiar”, ang kaniyang award-winning compositions at all-time favorite hits upang haranahin ang mga kababayan sa Aichi-Ken at iba pang karatig-lugar nito.


Kilala sa kaniyang masterpiece na “Bakit Ngayon Ka Lang” at “Nandito Ako”, asahan ang isang malaking sing-along kasama ang dati ring presidente ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aaawit.

Balik-Japan naman ang Dance Empress at multi-awarded performer na si Maja Salvador na makailang beses nang nagbahagi ng kaniyang dance moves at pati na rin singing prowess sa iba’t-ibang TFC events sa Japan simula noong 2008 sa Kawasaki at sa Chiba noong 2016.

Sa darating na July 15, hatid niya ang dobleng excitement ang hatid niya tulad ng kaniyang hinahatid sa iconic series na “Wildflower” sa pamamagitan ng karakter niyang sina Lily Cruz at Ivy Aguas.  Ang “Wildflower ay siya ring isa sa mga naging inspirasyon para sa titulo ng concert.

Isa ring record artist at concert performer, ipe-perform ni Maja ang kaniyang sariling hits na “Dahan-dahan” at iba pa.

Makakasama ng dalawa ang host na si Eric Nicolas na siyang maghahatid ng stand-up comedy. Kabilang din si Makoto Inoue, finalist sa katatapos lamang na Tawag ng Tanghalan sa “It’s Showtime”, para sa pre-show.

Ang “The Songwriter Meets the Wildflower” ay magaganap sa July 15 sa Handashi Fukusi Bunka Kaikan, 1-22-1 Kariyado-cho, Handa-shi, Aichi-ken 475 0918.  Magbubukas ang gates ng 12 n.n. at magsisimula ang show ng 4 p.m. 

Ang tickets ay nagkakahalaga ng Y10,000 (Platinum), Y7,000 (Gold) at Y3,000 (Silver). Maaaring bilhin ang tickets sa mga sumusunod na authorized ticket sellers lamang: 
Kapamilya Sari-sari (080 9727 1494); Margie Ieda (080 4521 9476); Allysa Kusuhara (090 5600 4601); at Masayang Buhay (090 8185 0708).  

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang mytfc.com o facebook.com/TFCJapan.  

Para sa updates, bisitahin ang mytfc.com/MPY, o afacebook.com/TFCJapan. Maki-connect sa kapwa globalKapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC sa KapamilyaGlobalPR Twitter at Instagram.



No comments:

Post a Comment

Regina Song to Bring “Fangirl: The Tour” to Manila next month!

Singapore-based singer-songwriter Regina Song is set to make her highly anticipated Philippine debut with Fangirl: The Tour next month. The ...