Pinangarap mo bang maging housemate sa “Pinoy Big Brother,” hinulaan kung sinong “The Voice” coach ang iikot para sa’yo, o ninais na sagutin ang Fast Talk questions sa “Tonight With Boy Abunda?” Narito na ang iyong pagkakataong maranasang maging bahagi ng mga paborito mong programa dahil magbubukas na ang ABS-CBN Studio Experience, o Studio XP, sa Ayala Malls TriNoma sa Quezon City noong Linggo (Setyembre 16).
Ayon sa ABS-CBN Themed Experiences Inc. head na si Cookie Bartolome, nahahati ang bagong Studio XP sa tatlong bahagi—ang Retail, Fantasy, at Retail Studios—na mayroong 15 attractions at full scale set reconstructions na binuo para i-level-up ang ibibigay na Kapamilya experience ng ABS-CBN sa iisang lugar lamang.
“Naging inspirasyon namin ang mga Kapamilya na nagnanais na maranasan at nananabik masilip ang studios sa loob ng network. Sa pamamagitan ng Studio XP, nais naming ilapit pa ang ABS-CBN sa mga Pilipino,” kwento ni Cookie.
Sa loob ng Reality Studio, maaaring maging contestant sa Kapamilya shows: bilang housemate na may task sa “Pinoy Big Brother” Breakout kasama si Kuya; at lumaban sa “Minute To Win It”: The Experience at maging Last Man Standing.
Dagdag saya pa ang pwedeng maranasan sa “The Voice” Open Mic. Alamin kung sino sa virtual coaches na sina Bamboo, Lea Salonga, Sarah Geronimo, at Sharon Cuneta ang iikot sa mga susubok sa blind auditions.
Bibida naman ang mga bisita na makikibahagi sa Star Lab, kung saan pwedeng maki-duet or umarte kasama ang Kapamilya artists, magpatawa kasama ang cast ng “Goin’ Bulilit,” at subukan ang hot seat sa Fast Talk ng “Tonight With Boy Abunda.”
Sa mga nagnanais naman sumubok sa mga gawain sa likod ng camera, pwedeng pasukin ang “It’s Showtime” Director’s Booth at maging bahagi ng TV crew na haharap sa excitement at drama ng isang live production.
Tiyak na mae-enjoy din ng mga bibista ang 80-seater Kapamilya Theater na magpapalabas ng 4D movies, live shows, at iba pang masasayang events. Tampok dito ang kauna-unahang 4D production ng bansa—ang ASAP 4D—na dito lamang pwedeng mapanood. Maaari ding sumali sa multiplayer games, tulad ng “Misyon: Ang Probinsyano” (isang patintero-based game) o ng “Ang Propesiya: La Luna Sangre” (isang agawan base game).
Sa hindi inaasahang araw at oras, maaaring makatanggap ang mga Kapamilya ng sorpresang live video call mula sa isang ABS-CBN star sa Celebrity Calling booth.
Samantala, tampok naman sa Fantasy Studio ang attractions para sa mahilig sa adventure, tulad ng Action Academy, isang obstacle course kung saan maglalaban-laban ang stunt trainees sa bilis at lakas mala-Cardo Dalisay o Darna.
Isa pang nakaaliw na laro ang ARX o augmented reality game kung saan haharap ang isang grupo sa virtual monsters na dapat nilang talunin.
Ang mga batang may edad 12 years old pababa naman ay siguradong magsasaya sa Superheroes Playground habang pwede rin nilang subukan ang iba pang Studio XP attractions.
Bubungad sa 1,400 sqm-studio city ang Walk of Fame patungo sa Heritage Hall kung saan makikita ng mga bisita ang ilan sa vintage memorabilia at broadcasting equipment, partikular na ang Millennium Transmitter, isa sa tanyag na simbolo ng network.
Maaari ding mag-uwi ng souvenirs mula sa #Starsnaps photo booth kung saan pwedeng makakuha ng litrato kasama ang paboritong artista, at sa Star Catcher, isang claw machine tampok ang autographed items ng Kapamilya stars.
Marami pang mabibiling ABS-CBN Store merchandise, pati na rin ang mga limited edition products nito, sa bagong Retail Studio.
Upang mabuo ang natatanging Kapamilya experience, dapat subukan ang Heroes Burger. Tampok ang mga karakter nina Darna, Captain Barbell, at Lastikman sa Pinoy Komiks-themed na organic burger joint.
Maaari nang ma-experience ang Studio XP sa murang halaga na P375 sa XPass Prime tickets para sa mga first-time visitors at P350 para sa mga nagbabalik na guests na may access sa lahat ng attractions maliban sa #Starsnaps at Star Catcher. Meron ding XPass Lite available sa halagang P300 para sa first-time visitors at P275 para sa returning guests na magbibigay access sa lahat ng attractions maliban sa Kapamilya Theater, #Starsnaps at Star Catcher. Mag-ukol ng dalawa at kalahating oras sa loob ng isang shift para sa isang masayang pagbisita.
Pumunta na sa ABS-CBN Studio Experience sa 4F ng Ayala Malls TriNoma. Sundan ang ABS-CBN Studio Experience sa Facebook, Twitter at Instagram (@abscbnstudioxp) o bisitahin ang studioexperience.abs-cbn.com para alamin ang available shift schedule at makabili ng tickets online.
No comments:
Post a Comment