Saturday, September 1, 2018

Angeline Quinto at Enchong Dee maghahatid ng back-to-back performance sa “MOR Global Pop Icon in Korea”

Bumirit at makisayaw kasama ang Kapamilya stars at MOR 101.9 DJs na sina Jhai Ho at Eva Ronda sa “MOR Global Pop Icon in Korea” sa September 30, na gaganapin sa Dong Sung High School Auditorium sa Hyehwa-dong, sa Seoul, South Korea

Madadagdagan pa ang kasiyahan ng mga Kapamilya sa South Korea sa pagpunta doon nina Angeline Quinto at Enchong Dee para sa TFC Hour ng gaganaping “MOR Global Pop Icon in Korea” event sa September 30, sa Dong Sung High School Auditorium sa Hyehwa-dong, sa Seoul, South Korea.


Nakahanda na ang mga hugot hits ni Angeline na madalas na napapakinggan sa iba’t ibang telserye ng ABS-CBN, na napapanood sa karamihan ng mga bansa sa  mundo via The Filipino Channel (TFC). Madalas na napapanood si Angeline sa variety show na “ASAP” at sa talent search show na “I Can See Your Voice”, na pareho rin napapanood sa iba’t ibang platform ng TFC.

Malapit sa puso ng tinaguriang Philippines’ Queen of Teleserye Theme Songs ang mga kompetisyong tulad ng “MOR Global Pop Icon” dahil siya rin ay nagsimula sa isang singing competition. Siya ang itinanghal na grand winner ng “Star Power: Sharon’s Search for the Next Female Superstar” noong 2011.

Sa kabilang banda naman, pakikiligin ng Chinito Heartthrob ang lahat sa kaniyang mga dance moves, na madalas din niyang ipakita sa kaniyang mga performances sa “ASAP”. Isa rin si Enchong sa mga hinahangaang leading men ng ABS-CBN, at huli siyang napanood sa katatpos lamang na “The Blood Sisters” na maaari pang mapanood sa karamihan ng mga bansa sa mundo via TFC online (www.TFC.tv) at TFC IPTV.

Unang nakilala si Enchong sa una niyang lead role sa seryeng “Katorse” noong 2009, at simula noon ay sunod-sunod na ang naging mga proyekto niya mapa-telebisyon o pelikula man.

Kasama rin na magdadala ng kasiyahan sa “MOR Global Pop Icon in Korea” ay ang MOR 101.9 DJs na sina Jhai Ho at Eva Ronda, na magsisilbing hosts ng buong event. 

Huwag nang palampasin ang pagkakataong makasama sina Angeline, Enchong, DJ Jhai Ho at DJ Eva Ronda sa “MOR Global Pop Icon in Korea” sa September 30 sa Dong Sung High School Auditorium sa Hyehwa-dong, sa Seoul, South Korea. Magbubukas ang gates ng 12NN, habang ang TFC Hour ay magaganap ng ika-4 ng hapon. For tickets, makipag-ugnayan kay Roger Amboy at +821067201972.

Tuloy-tuloy pa rin ang auditions para sa kompetisyon. Ang huling on-ground audition ay magaganap sa September 2 sa Hyehwadong Church sa Seoul, South Korea. Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan kay Roger Amboy sa +821067201972.

Hanggang September 2 na lang din ang online audition, at para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang facebook.com/TFCKoreaOfficial.

Matapos ang auditions, mamimili naman ang publiko ng tatanghalin na “TFC People’s Choice” awardee. Magsisimula ang botohan sa September 9 hanggang September 23. Para sa karagdagang detalye kung papaano bumoto, bisitahin at i-like ang facebook.com/TFCKoreaOfficial.

Ang magwawagi naman at tatanghalin na “MOR Global Pop Icon in Korea” ay pupunta sa Manila, Philippines para sa “MOR Global Pop Icon” grand finals.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kompetisyon, bisitahin ang facebook.com/TFCKoreaOfficial. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.

No comments:

Post a Comment

Regina Song to Bring “Fangirl: The Tour” to Manila next month!

Singapore-based singer-songwriter Regina Song is set to make her highly anticipated Philippine debut with Fangirl: The Tour next month. The ...