Sunday, September 9, 2018

“Star Hunt” dadalhin ang auditions sa Asya Ang pinakamalaking audition ng ABS-CBN ay pupunta ng Japan at Hong Kong ngayong September

Overseas Filipinos sa Japan at Hong Kong, humanda ng magpasiklab dahil pupunta na diyan ang pinakamalaking audition ng ABS-CBN na “Star Hunt” ngayong September.

Dadalhin ng ABS-CBN sa Asya ang “Star Hunt” sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC), ang flagship brand ng subsidiary nito na ABS-CBN Global, upang humanap ng mga overseas Filipinos na may pambihirang talento sa pagkanta at pagsayaw, nagtatgalay ng kakaibang personalidad, o mayroong kuwento na pagmumulan ng inspirasyon.


Ang mga Star Hunters ay magsasagawa ng auditions sa Japan sa September 8 at 9 sa TFC booth sa “Philippine Festival 2018” na gaganapin sa Hibiya Park sa Tokyo. Mayroong dalawang katergorya ang auditions: ang Kids category na para sa 7-year-old to 12-year-old auditionees at ang Adults category na para sa 13-year-old and above auditionees. Ang audition ay magagnaap mula 9 A.M. hanggang 3 P.M., at nasa 200 auditionees lamang ang tatanggapin per audition date.

Sa September 23 naman pupunta ang Star Hunters sa Hong Kong para sa “Star Hunt Hong Kong 2018” auditions na gagawin sa MacPherson Stadium, sa Mongkok mula 9 A.M. hanggang 1 P.M. Limitado lamang ang slots na bukas para sa mga auditionees, at walang auditions na magagnap para sa mga bata.

Ang mga masusuwerteng auditionees na mapipiling maging Star Dreamers ay mabibigyan ng pagkakataon na mapasama sa ilang ABS-CBN shows tulad ng “Tawag ng Tanghalan”, “I Can See Your Voice”, “Pilipinas Got Talent”, "Pinoy Big Brother", “MMK”, “The Kids’ Choice” at sa iba pang comedy at drama shows at platforms ng network.

Kung mayroon pang mga katanungan bago ang mga nabanggit na audition dates, basahin ang “Star Hunt Frequestly Asked Questions” na nasa facebook.com/TFCJapan para sa Japan leg, at facebook.com/TFCHongKong para sa Hong Kong leg.

Ang “Star Hunt” ay napapanood sa labas ng Pilipinas via TFC, at ang catch-up episodes ay mapaanood sa TFC online (www.TFC.tv) at TFC IPTV, sa karamihan ng mga bansa sa mundo.

Ang mga hosts ng programa na sina Kim Chiu, Alex Gonzaga, Robi Domingo, at Melai Cantiveros ang magpapakilala sa mga Star Dreamers sa mga manonood. Ang mga hosts, na nagsimula rin sa industriya dahil sa isang pangarap, ang makakasama ng mga manonood na sundan ang kuwento ng mga Star Dreamers sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.

Huwag palampasin ang pagkakataon na maabot ang inyong mga pangarap, sumali na sa “Star Hunt” auditions sa September 8 at 9 sa Hibiya Park, sa Tokyo, Japan, at sa September 23 sa MacPherson Stadium, sa Mongkok, Hong Kong.

Para sa karagdagang updates tungkol sa audition sa Japan at Hong Kong, bisitahin at i-like ang facebook.com/TFCJapan at facebook.com/TFCHongKong. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.

No comments:

Post a Comment

IFPI Launches Official Philippines Chart, with Marilag by Dionela becoming first ever official # 1 track

Launched by IFPI and backed by the recorded music industry, the Official Philippines Chart will be available alongside official weekly ranki...