Showing posts with label ABS CBN. Show all posts
Showing posts with label ABS CBN. Show all posts

Tuesday, September 18, 2018

Maging reality show contestant, action star, atbp. sa bagong studio city ng ABS-CBN!

Pinangarap mo bang maging housemate sa “Pinoy Big Brother,” hinulaan kung sinong “The Voice” coach ang iikot para sa’yo, o ninais na sagutin ang Fast Talk questions sa “Tonight With Boy Abunda?” Narito na ang iyong pagkakataong maranasang maging bahagi ng mga paborito mong programa dahil magbubukas na ang ABS-CBN Studio Experience, o Studio XP, sa Ayala Malls TriNoma sa Quezon City noong  Linggo (Setyembre 16).

Ayon sa ABS-CBN Themed Experiences Inc. head na si Cookie Bartolome, nahahati ang bagong Studio XP sa tatlong bahagi—ang Retail, Fantasy, at Retail Studios—na mayroong 15 attractions at full scale set reconstructions na binuo para i-level-up ang ibibigay na Kapamilya experience ng ABS-CBN sa iisang lugar lamang.

Friday, May 29, 2015

DARREN ESPANTO: Ready For His Major Concert At MoA Arena

Months after battling it out at the ABS-CBN show The Voice Kids ending up as runner-up, Darren Espanto is set to face one of his biggest shows of his career: a solo concert at the Mall of Asia Arena.

This is not just an ordinary concert as just a few days before his scheduled concert, Darren will be celebrating his 14th birthday. Likewise, this young singer will be the youngest performer to hold a solo major concert at the Mall of Asia Arena just years after Lady Gaga performed at its inaugural.

Thus, the title of the concert “Darren Espanto D Birthday Concert.” As the concert nears, Darren is already excited and has been busy with rehearsals and preparations for the concert.

Thursday, June 26, 2014

Bagong Drama Na "Hawak Kamay" Magbibigay Ng Inspirasyon Sa Mga Pamilyang Pinoy

Piolo Pascual, muling magbabalik sa paggawa ng teleserye

Paano mababago ng responsibilidad ng pagigng ama sa tatlong ampon ang buhay ng isang lasenggong nangangarap maging sikat na musikero?

Ito ang magiging tanong sa bagong family drama ng ABS-CBN na “Hawak Kamay” na malapit nang mag-premiere, kung saan mapapanood ang pagbabalik ng highly-acclaimed na aktor, si Piolo Pascual sa mundo ng teleserye pagkatapos ng tagumpay ng kanyang nakaraang pelikulang “Starting Over Again”.

Makakasama ni Piolo sa “Hawak Kamay” ang tatlo sa mga pinakamahuhusay na child star ng bansa na sina Zaijan Jaranilla, Andrea Brillantes, at Xyriel Manabat. Ipinakikilala rin sa “Hawak Kamay” ang bagong child star na si Yesha Camille, na naging Grand i-Shiner matapos i-mentor ni Piolo sa pangalawang season ng Promil Pre-School i-Shine Talent Camp.

Friday, March 28, 2014

Galema: Anak Ni Zuma Ends Today!

The fantaserye that brings the charm of Andi Eigenmann and the venom of snakes is now at its final episode! Watch the finale of GALEMA ANAK NI ZUMA today on Kapamilya Gold and you can discuss and post it on your social media accounts with the hashtag #angmakamandagnapagtatapos. For more details check out the video teaser at https://www.youtube.com/watch?v=B9ICvh3UF_Y

Friday, August 9, 2013

CHA-CHA CAÑETE, IPAPAKITA ANG KANYANG WCOPA AWARD-WINNING TALENT SA “GOIN’ BULILIT” NGAYONG LINGGO

Kakapanalo pa lamang ng child star na si Cha-Cha Cañete ng dalawang medalyang kanyang nakamit sa 2013 World Championship of Performing Arts (WCOPA) at ngayong Linggo (Agosto 11), ihahatid niya sa mga televiewer ang isang nakakatuwang musical performance sa sikat na kiddie gag show na “Goin’ Bulilit”.

Kakanta at sasayaw si Cha-Cha sa groovy na kantang “Let’s Dance”, at siguradong mapapangiti at matutuwa ang lahat sa kanyang ibang klaseng charm na dinala niya sa entablado noong nag-compete siya sa WCOPA sa Hollywood, California. Magiging mas masaya pa ang musical number ngayong Linggo lalo na’t makakasama pa ni Cha-Cha ang kanyang mga co-child star na mga bata ng “Goin’ Bulilit” para ihatid ang isang napakagaling at napaka-cute na performance. Ipapakita ng mga “Goin’ Bulilit” kids ngayong Linggo na
talagang world-class ang mahahatid na talento ng mga batang Pilipino.

Huwag palampasin ang musical performance ni Cha-Cha at ng mga kids ng number one kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” ngayong Linggo (Agosto 11), na eere sa ABS-CBN Channel 2 pagkatapos ng “TV Patrol Weekend”.

Tuesday, September 4, 2012

X Factor Analysis TOP 8!


I love singing competitions, and X factor is one of those that give way to many great singer/s. At first, I don't noticed the show, but since I get to see it on weekends makes me hooked into it. I came across the post of Kuya Carlo Yanesa, who is a music expert and a great singer himself as I can declare, I like to feature his two cents about his analysis on each of their performance.
Don't worry, I've asked for permission for this. And I wanted to share this because I agree with his opinions and there is also something more that we don't usually notice. He updates weekly, so I hope this would also be a weekly post just like Yonel's top 30 on MTL. Try to check them out and see if you also agree.

#XFactorTop8

Tuesday, May 15, 2012

ABS-CBN, BIBIGYANG BUHAY ANG PINOY POP SA "HIMIG HANDOG"


Mga Pilipinong kompositor saan man sa mundo, maaaring sumali sa "Himig Handog: P-POP Love Songs" 

Bilang pagpupugay sa natatanging kakayahan ng mga Pilipinong kompositor, muling inilunsad ng ABS-CBN ang pinakamalaking multimedia songwriting competition na "Himig Handog" na may temang "Pinoy Pop (P-POP) Love Songs." 
  
Sa ikalima nitong taon, muling lilikha ang "Himig Handog" ng kasaysayan sa larangan ng musika sa pagpapatuloy nitong pagtuklas ng de-kalibreng Filipino composers na may mga obra maestra na tiyak na tatatak sa puso ng mga nakikinig at mamahalin ng maraming henerasyon gaya ng ilan sa OPM classic love songs ngayon na sumikat sa pamamagitan ng "Himig Handog" kabilang ang 'Hanggang' na inawit ni Wency Cornejo; 'Kung Ako Na Lang Sana' ni Bituin Escalante; 'Kung Ako Ba S'ya' ni Piolo Pascual; 'Bye Bye Na' ni Rico Blanco; at 'This Guy's In Love With You Pare' ng Parokya ni Edgar. 

Tuesday, May 8, 2012

Mga Taga-suporta ni Myrtle sa Cosplay World, Nag-ala Avengers


Suot  ang kanilang mga costume, nag-ala “Avengers” ang mga cosplayers at mga kaibigan na sumusuporta kay Myrtle sa may labas ng  PBB House.  Si Myrtle ang #3 sa ranking ng pinaka-sikat na cosplayers sa bansa, sunod kina Alodia Gosengfiao at Ashley Gosengfiao.  Sa katunayan, tumalon sa higit na 200 libong  fans na ang bilang ng kanyang facebook fans matapos ang unang linggo pa lamang sa loob ng “Bahay ni Kuya” House.  Dala-dala ang placards na may mensaheng “I-save natin ang Cosplay Princess!”  , nag full force sila para ikampanya ang dalaga na para sa kanila ay huwarang teenager at dapat manatili sa loob ng PBB House. “Mahal namin si Myrtle! Araw-araw kaming nanonood ng PBB Teen Edition dahil sa kanya, ” sabi ng isang cosplayer. 

Galing sa isang magandang pamilya sa Iloilo, si Myrtle ay isang Accounting student sa UP Visayas. Matalino’t masiyahin, siya ay Sangguniang Kabataan (SK) President pa. Marami ang bumibilib sa napakabait at malambing na dalagang ito dahil nababalanse niya ang kanyang academics at extra-curriculars. Ang pagsali sa PBB ay isang bagay na noong una ay ayaw ng kanyang mga magulang ngunit namayani sa kanila ang pagmamahal sa anak na gustong gustong sumali at nangakong magiging responsable sa sarili at hindi magpapabaya sa pag-aaral. 

Saturday, January 14, 2012

“MY BINONDO GIRL: THE DRAGON FINALE,” KAABANG-ABANG

Tutukan hanggang katapusan ang teleseryeng laging ‘trending’ sa puso ng sambayanan…


Nalalapit na ang pagtatapos ng top-rating Primetime Bida teleseryeng “My Binondo Girl” at sa huling linggo nito, asahan ang isang ‘Dragon Finale’ na puno ng mga rebelasyon at mga nakakikilig na eksena, lalo na mula sa mga bida nitong sina Kim Chiu at Xian Lim.


Sa sunod-sunod na magagandang kaganapan sa buhay nila Jade (Kim) at Andy (Xian), at Zeny (AiAi delas Alas) at Papa Chen (Richard Yap), may hahadlang pa kaya sa kani-kanilang mga relasyon? Matuloy na nga kaya ang ‘Jandy wedding’ o pipigilan ito ng isang trahedyang magpapaluha sa lahat?


Tutukan hanggang sa huli ang mga hindi malilimutang mga karakter nina Matteo Guidicelli, Cherry Pie Picache, Gina Pareño, Ricardo Cepeda, Laureen Uy, Marina Benepayo, Eda Nolan, David Chua, Gillet Sandico, at Simon Ibarra. Ang “My Binondo Girl” ay sa ilaim ng direksyon nina Malu Sevilla at Francis Xavier Pasion.


Huwag palampasin ang huling linggo ng “My Binondo Girl,” gabi-gabi mula Enero 16 hanggang 20, pagkatapos ng “Budoy” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa http://mybinondogirl.abs-cbn.com/, sundan @my_binondogirl sa Twitter at i-‘like’ ang www.facebook.com/abs.mybinondogirl.




Ben&Ben takes flight with “Saranggola,” a tender ode to friendship and nostalgia

The barkada-themed track premiered this week on Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition Fresh off the success of their heartfelt ballad ...