Sunday, September 9, 2018

Tagumpay ng mga student-athletes bibida sa UAAP Season 81

Humanda sa nakakapanabik na UAAP Season 81 na mapapanood sa labas ng Pilipinas via TFC, at mayroong same-day Video On Demand (VOD) plus livestreaming via TFC online (www.TFC.tv) at TFC IPTV simula September 8

Handa na ang mga university students at alumni na mag-cheer para sa kopunan ng kanilang unibersidad sa pagbubukas ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) season 81 sa September 8, na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, Philippines, na mapapanood sa karamihan ng mga bansa sa mundo sa iba’t ibang platforms ng The Filipino Channel (TFC).


Kasabay ng tema ngayong season na It All Begins Here, babalikan sa season na ito ng UAAP kung papaanong ang ilan sa mga matatagumpay na atleta ngayon ay nagsimula bilang student-athletes.

“Sports is indeed a great equalizer and an equal opportunity provider. But before we can reach the top of the mountain and breathe success, they must first start somewhere and to that we say—it all begins here,” pahayag ni UAAP Season 81 President Nilo Ocampo ng host university na National University, sa kaniyang opening remarks sa ginanap na media launch.

Nagsisilbing patunay dito ang ilang coaches at assistant coach ngayong season na nagsimula bilang mga UAAP student-athletes. Sila ay sina Olsen Racela, Bo Perasol at Don Allado.

Nagsimula si Racela sa mundo ng basketball noong 1998 nang maging bahagi siya ng varsity team ng Ateneo de Manila University (ADMU). Taong 1993 nang magsimula siya sa Philippine Basketball League (PBA) at nag-retire noong 2011. Bumalik siya sa mundo ng basketball nang kunin siyang head coach ng Far Eastern University (FEU) noong 2016 hanggang sa ngayon.

Ang University of the Philippines naman ang naging tulay ni Perasol sa mundo ng baskbetball, na nagsimula noong 1990 hanggang 1994. Nagsilbi muna siyang coach ng UP Fighting Maroons Juniors bago naging head coach ng PBA team na Air21 noong 2005. Naging coach siya ng ADMU, hanggang noong 2016 ay naging head coach na siya ng UP hanggang sa ngayon.

Sa De La Salle University naman nagsimula ang lahat para kay Allado, na isa sa pinakamahuhusay na manalalaro ng kaniyang panahon mula 1996 hanggang 2000. Taong 1999 nang pumasok siya sa PBA na tumagal hanggang 2015. Matapos ang kaniyang basketball career, nagsimula naman ang kaniyang coaching career bilang assistant coach ng Adamson University (AdU) at ngayon ay nasa ikatlong season na niya.

Kaya ngayong season, pagkakataon na ng mga bagong manlalaro na simulan ang kanilang paghahanda para sa tagumpay habang naglalaro para sa kani-kanilang mga unibersidad.

Hindi aatras ang Ateneo de Manila University Blue Eagles na depensahan ang kanilang kampeonado mula sa pito pang mga kopunan: ang Adamson University Soaring Falcons, De La Salle University Green Archers, Far Eastern University Tamaraws, National University Bulldogs, University of the East Red Warriors, University of the Philippines Fighting Maroons at University of Santo Tomas Growling Tigers.

Matapos ang opening ceremony, agad na sasalang para sa mainit na labanan ang Fighting Maroons at Red Warriors at 2:00 P.M. (Manila time), at ang Bulldogs at Growling Tigers at 4:00 P.M. (Manila time).

Para naman sa September 9, ang maghaharap-harap na mga kopunan ay ang Tamaraws at Green Archers at 12nn (Manila time), at ang defending champs Blue Eagles at Soaring Falcons at 4:00 P.M. (Manila time).

Huwag palampasin ang pagsisimula ng isa na namang nakakapanabik na harapan ng mga basketball team sa UAAP Season 81 na mapapnood sa labas ng Pilipinas via TFC simula September 8 at 12NN (Manila time).

Mapapanood din ito sa karamihan ng mga bansa worldwide via TFC online (www.TFC.tv) simula September 8 at 12NN (Manila time), free para sa Premium subscribers at on retail sa halagang USD 5.99 para sa Basic at Lite subscribers; at via TFC IPTV under Sports + Action Channel, kung saan mapapanood nila ang mga laban via same-day Video On Demand (VOD) plus livestream.

Para sa updates tungkol sa UAAP games, bisitahin ang TFC Facebook page na angkop sa inyong kinaroroonan. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.

No comments:

Post a Comment

Regina Song to Bring “Fangirl: The Tour” to Manila next month!

Singapore-based singer-songwriter Regina Song is set to make her highly anticipated Philippine debut with Fangirl: The Tour next month. The ...