Friday, September 14, 2018

Jodi Sta. Maria pilit na bubuoin ang pamilya sa “Sana Dalawa ang Puso” finale

Jodi Sta. Maria, Robin Padilla at Richard Yap magtutulungan upang matupad ang inaasam na tahimik at masayang buhay sa “Sana Dalawa ang Puso” finale, na mayroong streaming via TFC online (www.TFC.tv) sa September 14.

Matapos maibunyag ang katotohanan sa pagkatao nina Mona at Lisa (Jodi Sta. Maria), susubukan nila ngayong buuin ang kanilang pamilya sa pagtatapos ng “Sana Dalawa Ang Puso”, na mapapanood sa labas ng Pilipinas via The Filipino Channel (TFC), na mayroong streaming ang final episode sa karamihan ng mga bansa via TFC online (www.TFC.tv) sa September 14.


Naging emosyonal ang kambal nang makipag-usap sa kanilang tunay na ina na si Sandra Tan (Irma Adlawan). Bagama’t natanggap na nila ang katotohanan at napatawad na ang isa’t-isa, marami pa ring hadlang sa pagkakabuo ng kanilang pamilya gaya ng pagtatampo at pagkawala ni Juancho (Christopher De Leon) matapos na malaman ang tunay na katauhan ni Lisa.

Maliban doon ay patuloy ang banta ng paghihiganti ni Primera (Denise Laurel) at ng sindikatong Odonata sa kaligtasan ng lahat. Maging si Martin (Richard Yap) ay malalagay sa panganib matapos malaman ni Primera na maaring may kinalaman siya sa pagkasira ng kaniyang mga plano. Lalo namang gaganahan si Leo (Robin Padilla) na tapusin ang kaniyang misyong pabagsakin ang Odonata para sa ikabubuti ng asawang si Lisa.

Matanggap kaya ni Juancho ang katotohanan? Masugpo kaya nila si Primera at ang Odonata? Paano bubuuin nina Mona at Lisa ang kanilang pamilya?

Huwag palampasin ang kapana-panabik na pagtatapos ng “Sana Dalaw Ang Puso”, na napapanood sa labas ng Pilipinas via TFC, at mayroong streaming ang final episode sa karamihan ng mga bansa via TFC online (www.TFC.tv) sa September 14 at 11:20 A.M. (Manila time).

Maaaring balikan ang mga nagdaang episodes sa karamihan ng mga bansa via TFC online (www.TFC.tv) at TFC IPTV.

Para sa updates tungkol sa show, bisitahin ang TFC Facebook page na angkop sa inyong kinaroroonan. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.

No comments:

Post a Comment

Filipino electronic music producer crwn marks career milestone with debut album “Séance”

The album also features collaborations with Nadine Lustre, Jess Connelly, Curtismith, Jason Dhakal and more! Photo by Renzo Navarro  crwn’s ...