
Isang kuwento tungkol sa mag-asawang nasa bingit na ng paghihiwalay at isang batang naulila ang aantig sa puso ng marami sa pagsisimula ng ABS-CBN series na “PlayHouse”, na mappanood sa labas ng Pilipinas via The Filipino Channel (TFC), na mayroong streaming ang pilot episode sa karamihan ng mga bansa sa mundo via TFC Online (www.TFC.tv) ngayong araw, September 17.

Ganito ang kuwento ng mga karakter nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo na sina Patty at Marlon, ang magkasintahan na dala ng lubos na pagmamahalan ay nagdesisyon na magpakasal. Pero dala ng mga realidad ng buhay-may-asawa, agad ding naputol ang inaakala nilang walang hanggang pagmamahalan.

Maaaksidente ang kaibigan nilang sina Emily at Brad at maiiwang ulila ang anak nilang si Robin (Justin James Quilantang). Dahil dito, tatayong legal guardian ng bata sina Patty at Marlon at mapipilitan silang magsama sa iisang bahay upang masigurong maayos ang kalagayan ni Robin. Hindi naman sasayangin ni Marlon ang pagkakataong ito at ipaglalaban pa rin ang pagmamahal sa asawa upang mapigilan ang annulment na ipinipilit ni Patty.

Bukod naman sa sayang hatid ng pagsasama nina Panganiban at Marudo, magdadala rin ng matinding kilig ang bagong tambalan nina Kisses Delavin at Donny Pangilinan. Sila ay gaganap na sina Shiela at Zeke, ang magkaaway na kalaunan ay mahuhulog ang loob sa isa’t isa.
Kasama rin sa “PlayHouse” sina Kean Cipriano, AC Bonifacio, Ariella Arida, Dexter Doria, Nadia Montenegro, Ingrid Dela Paz, Jomari Angeles, Malou De Guzman, Smokey Manaloto, at Maxene Magalona.
Alamin kung paanong makakahanap ang isang naulilang bata ng tahanan sa piling ng nagkakalabuan ng mag-asawa sa “PlayHouse”, na napapanood sa labas ng Pilipinas via TFC, na mayroong streaming ang pilot episode sa karamihan ng mga bansa sa mundo via TFC Online (www.TFC.tv) ngayong araw, September 17 at 11:20 A.M. (Manila time).
Ang catch-up episodes ay mapaanood via TFC Online (www.TFC.tv) at TFC IPTV sa karamihan ng mga bansa sa mundo.
Para sa updates tungkol sa show, bisitahin ang TFC Facebook page na angkop sa inyong kinaroroonan. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.
No comments:
Post a Comment