Monday, August 27, 2018

Bagong mukha nina Julia Barretto at Joshua Garcia masasaksihan sa “Ngayon at Kailanman”

Mula sa pelikula, sasabak na sina Julia Barretto at Joshua Garcia sa kanilang unang teleserye ang “Ngayon at Kailanman”, na mayroong streaming ang pilot episode via TFC online (www.TFC.tv)

Ibang Julia Barretto at Joshua Garcia ang matutunghayan sa bagong ABS-CBN series na “Ngayon at Kailanman”, na mapapanood sa labas ng bansa via The Filipino Channel (TFC), na mayroong streaming ang pilot episode sa karamihan ng mga bansa via TFC online (www.TFC.tv) sa August 20. 


Unang napanood ang pagtatambal ng dalawa sa Metro Manila Film Festival entry na “Vince, Kath, James” noong 2016, kung saan gumanap sila bilang mga kabataan na mararanasan ang umibig sa unang pagkakataon. Sumunod nilang ginampanan ang mga karater na takot nang umibig muli matapos masaktan noon sa mga pelikulang “Love You to the Stars and Back” at “Unexpectedly Yours” noong 2017.

Itong 2018, muli silang napanood sa isang pelikula kung saan gumanap sila bilang mga young adults na namulat sa mga realidad ng buhay, ang “I Love You, Hater”.

Matapos ipakita ang husay ng kanilang tambalan sa mga pelikula, handa na sina Barretto at Garcia na ibahagi ang kanilang talento sa isang teleserye, ang “Ngayon at Kailanman”.

Matinding paghahanda ang ginawa ng tambalan, na mas kilala sa tawag na JoshLia, para sa kanilang bagong proyekto. Iba kasi sa nakasanayan ni Barretto na mahinhin at mayamang mga karakter, gaganap siya bilang si Eva, ang magaslaw at masiyahing dalaga kahit pa lumaki sa hirap. Mula naman sa mga palangiti at laki sa hirap na karakter, bibigyan-buhay ni Garcia si Inno, ang mayamang binata na tahimik at sabik sa pagmamahal ng kaniyang ina.

Ang “Ngayon at Kailanman” ay iikot sa kuwento nina Eva at Inno, na hindi man maganda ang simula noong una, kalaunan ay mahuhulog ang loob sa isa’t isa. Pero susubukin ng tadhana ang kanilang pag-iibigan dahil sa mga problemang dulot ng pamilya ni Inno, ang Cortes clan, at ng misteryo sa tunay na katauhan ni Eva.

Hatid ng “Ngayon at Kailanman” ang isang kuwento ng pagbangon mula sa mga pagsubok ng buhay, at magbibigay ng ideya kung paano mag-isip ang mga kabataan ngayon pagdating sa mga realidad ng buhay.

Kasama rin sa cast ng “Ngayon at Kailanman” ang ilang respetadong mga aktor at aktres na sina Rio Locsin, Iza Calzado, Christian Vasquez, Alice Dixon, Ina Raymundo, Dominic Ochoa at TJ Trinidad. Kasama rin ang dalawa sa mga up-and-coming actors ngayon na sina Jameson Blake at Joao Constancia.

Huwag palampasin ang kauna-unahang teleserye nina Julia Barretto at Joshua Garcia na “Ngayon at Kailanman”, na mapapanood sa labas ng bansa via TFC, na mayroong streaming ang pilot episode simulcast sa local airing nito sa karamihan ng mga bansa via TFC online (www.TFC.tv) sa August 20 at 8:15 P.M.

Maaaring balikan ang mga nagdaang episodes sa karamihan ng mga bansa sa mundo via TFC online (www.TFC.tv) at TFC IPTV. Maaari rin mapanood ang mga pelikula ng JoshLia via TFC online (www.TFC.tv).

Para sa updates tungkol sa show, bisitahin ang TFC Facebook page na angkop sa inyong kinaroroonan. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.

No comments:

Post a Comment

She’s Back! Japanese Superstar Ado Returns For Her Second World Tour, “Hibana,” Powered By Crunchyroll, Hitting Major Global Arenas

The Viral Japanese Music Sensation Will Be Lighting Up Over 30 Cities Across The World  Crunchyroll, the global brand for anime, has announc...