Paano mababago ng responsibilidad ng pagigng ama sa tatlong ampon ang buhay ng isang lasenggong nangangarap maging sikat na musikero?
Ito ang magiging tanong sa bagong family drama ng ABS-CBN na “Hawak Kamay” na malapit nang mag-premiere, kung saan mapapanood ang pagbabalik ng highly-acclaimed na aktor, si Piolo Pascual sa mundo ng teleserye pagkatapos ng tagumpay ng kanyang nakaraang pelikulang “Starting Over Again”.
Makakasama ni Piolo sa “Hawak Kamay” ang tatlo sa mga pinakamahuhusay na child star ng bansa na sina Zaijan Jaranilla, Andrea Brillantes, at Xyriel Manabat. Ipinakikilala rin sa “Hawak Kamay” ang bagong child star na si Yesha Camille, na naging Grand i-Shiner matapos i-mentor ni Piolo sa pangalawang season ng Promil Pre-School i-Shine Talent Camp.
Sa “Hawak Kamay,” isang ama ang magiging papel ni Piolo. Naramdaman niya ang koneksyon sa mga batang makakasama niya sa teleserye, lalo na’t single parent din siya. “Gustung-gusto ko makatrabaho ang mga bata kasi nakikita ko rin ang sarili ko sa kanila,” sabi pa niya sa isang interbyu sa TV Patrol.
Ang “Hawak Kamay” ay kwento ni Gin (Piolo Pascual), na may pangarap na maging sikat na musikero. Haharapin niya ang maraming mga pagsubok na maaring magpatibay o magparupok ng kanyang paniniwala sa kanyang sarili at sa mundo. Gaganap bilang kanyang girlfriend si Me-ann (Nikki Gil) at darating sa kanyang buhay ang tatlong batang ampon—sina Emong (Zaijan Jaranilla), Harriet (Xyriel Manabat), at Ningning (Yesha Camille) at isang estate executor na si Atty. Bianca Magpantay (Iza Calzado).
Huwag palampasin ang simula ng kwento ng “Hawak Kamay” sa ABS-CBN. Para sa mga update, sundan at i-like ang “Hawak Kamay” sa Facebook (www.facebook.com/HawakKamayTV) at sundan ang “Hawak Kamay” sa Twitter at Instagram (@HawakkamayTV).
No comments:
Post a Comment