Suot ang kanilang mga costume, nag-ala “Avengers” ang mga cosplayers at mga kaibigan na sumusuporta kay Myrtle sa may labas ng PBB House. Si Myrtle ang #3 sa ranking ng pinaka-sikat na cosplayers sa bansa, sunod kina Alodia Gosengfiao at Ashley Gosengfiao. Sa katunayan, tumalon sa higit na 200 libong fans na ang bilang ng kanyang facebook fans matapos ang unang linggo pa lamang sa loob ng “Bahay ni Kuya” House. Dala-dala ang placards na may mensaheng “I-save natin ang Cosplay Princess!” , nag full force sila para ikampanya ang dalaga na para sa kanila ay huwarang teenager at dapat manatili sa loob ng PBB House. “Mahal namin si Myrtle! Araw-araw kaming nanonood ng PBB Teen Edition dahil sa kanya, ” sabi ng isang cosplayer.
Galing sa isang magandang pamilya sa Iloilo, si Myrtle ay isang Accounting student sa UP Visayas. Matalino’t masiyahin, siya ay Sangguniang Kabataan (SK) President pa. Marami ang bumibilib sa napakabait at malambing na dalagang ito dahil nababalanse niya ang kanyang academics at extra-curriculars. Ang pagsali sa PBB ay isang bagay na noong una ay ayaw ng kanyang mga magulang ngunit namayani sa kanila ang pagmamahal sa anak na gustong gustong sumali at nangakong magiging responsable sa sarili at hindi magpapabaya sa pag-aaral.
Kahawig ni Erich Gonzales, maraming mga binatang celebrities ang humahanga sa ganda ng dalaga at aabangan nga daw ito sa paglabas para makilala. Sana nga ay mabigyan pa ng pagkakataong manatili ang dalaga sa loob ng PBB House.
Para i-save si Myrtle, i-text ang BB(space)MYRTLE sa 2331 (para sa Globe, TM at Sun) at 231 (para sa SMART) subscribers. Ang online voting ay posible rin sa pamamagitan ng vote cards , mag log on sa www.pinoybigbrother.com.
No comments:
Post a Comment