Tuesday, May 15, 2012

ABS-CBN, BIBIGYANG BUHAY ANG PINOY POP SA "HIMIG HANDOG"


Mga Pilipinong kompositor saan man sa mundo, maaaring sumali sa "Himig Handog: P-POP Love Songs" 

Bilang pagpupugay sa natatanging kakayahan ng mga Pilipinong kompositor, muling inilunsad ng ABS-CBN ang pinakamalaking multimedia songwriting competition na "Himig Handog" na may temang "Pinoy Pop (P-POP) Love Songs." 
  
Sa ikalima nitong taon, muling lilikha ang "Himig Handog" ng kasaysayan sa larangan ng musika sa pagpapatuloy nitong pagtuklas ng de-kalibreng Filipino composers na may mga obra maestra na tiyak na tatatak sa puso ng mga nakikinig at mamahalin ng maraming henerasyon gaya ng ilan sa OPM classic love songs ngayon na sumikat sa pamamagitan ng "Himig Handog" kabilang ang 'Hanggang' na inawit ni Wency Cornejo; 'Kung Ako Na Lang Sana' ni Bituin Escalante; 'Kung Ako Ba S'ya' ni Piolo Pascual; 'Bye Bye Na' ni Rico Blanco; at 'This Guy's In Love With You Pare' ng Parokya ni Edgar. 
  
Bukas ang "Himig Handog: P-POP Love Songs" sa sinumang Pilipinong kompositor (Filipino citizen o Filipino descent); dito o sa ibang bansa, amateur o professional; solo man o grupo na may hanggang tatlong miyembro. Ang isang composer ay maaaring magpasa ng hindi hihigit sa tatlong kanta. Ang mga entry ay maaaring isulat sa wikang Filipino, Ingles, o Taglish at sa anumang kilalang music genre o kombinasyon ng iba’t ibang genres. 
  
Maaari nang magpada ng entries para sa "Himig Handog: P-POP Love Songs" sa pamamagitan ng internet; i-upload lamang ang original love songs sa pisyal na website ng “Himig Handog” nahttp://himighandog.abs-cbn.com at sa opisyal nitong Facebook page sahttps://www.facebook.com/HimigHandogPPop.  Ang huling araw ng pagpasa ng entries ay sa Hunyo 30 (Sabado). 
  
Para sa karagdagang detalye, ang mga interesadong sumali ay maaaring bumisita  sa “Himig Handog” Secretariat sa Star Creatives Group, 2/F ABS-CBN Broadcasting Corporation, ELJCC Bldg., Eugenio Lopez Drive, Quezon City 1100, Philippines; tumawag sa 415-2272 locals 3423, 3437, 3415, at 3621; o mag-log on sa official website na http://himighandog.abs-cbn.com/, Facebook fanpage https://www.facebook.com/HimigHandogPPop, o sundan ang @PPopLoveSongs sa Twitter

No comments:

Post a Comment

Filipino electronic music producer crwn marks career milestone with debut album “Séance”

The album also features collaborations with Nadine Lustre, Jess Connelly, Curtismith, Jason Dhakal and more! Photo by Renzo Navarro  crwn’s ...