Abangan ang pambihirang performance na inihanda ng Dance Royalty para sa mga overseas Filipinos sa Taiwan
Doble ang kasiyahang dala ng The Filipino Channel (TFC) sa gaganapin na “Kapamilya Playoffs in Taiwan”, dahil bukod sa all-star basketball team lineup, isang pambihirang pagtatanghal din ang hatid ni Maja Salvador sa half-time break, na mapapanood sa November 18 sa Fengyuan District Stadium, Taichung, Taiwan.
Sisimulan ang “Kapamilya Playoffs in Taiwan” ng laban sa pagitan ng mga champion teams mula sa RJD Basketball League at Tai-Phil Basketball League.
Ang mananalong team sa first game ang siyang makakaharap ng Star Magic team na binubuo nina Gerald Anderson, JC De Vera, Ronnie Alonte, Vin Abrenica, Axel Torres, Zeus Collins, Jimboy Martin, JV Kapunan, Jose Sarasola, at Gerard Acao.
Magpapasiklab naman si Dance Royalty Maja Salvador na naghanda ng show-stopping performance para sa mga overseas Filipinos sa Taiwan, na mapapanood sa half-time break ng labanan sa pagitan ng nagkampeon na kopunan at ng Star Magic team.
Alamin kung sino sa mga kopunan sa RJD Basketball League at Tai-Phil Basketball League ang papasok sa “Kapamilya Playoffs in Taiwan” at makakaharap ng Star Magic team. Panoorin ang weekly playoffs updates ng TFC via TFC Online (www.TFC.tv) for FREE! Mag-register lamang sa TFC Online (www.TFC.tv) para makapanood.
Huwag na magpahuli! Maki-cheer na sa basketball match sa pagitan ng overseas Filipinos team at ng Star Magic team, at makisayaw pa kay Maja Salvador sa “Kapamilya Playoffs in Taiwan” na gaganapin sa November 18 sa Fengyuan District Stadium, Taichung, Taiwan.
Bumili na ng tickets! Ang mga tickets ay mabibili sa mga sumusunod na halaga: NTD 600 para sa General Admission, NTD 1000 para sa Patron, at NTD 1,800 para sa VIP. Para sa detalye kung saan at paano makakbili ng tickets, bisitahin ang facebook.com/TFCTaiwan1.
Para sa karagdagang detalye tungkol sa event, bisitahin ang facebook.com/TFCTaiwan1. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.
No comments:
Post a Comment