Friday, October 12, 2018

JM de Guzman at Barbie Imperial ipaglalaban ang pag-ibig hanggang sa huli sa “Araw Gabi” finale

Papatunayan nina Adrian (JM de Guzman) at Mich (Barbie Imperial) kay Celestina (Vina Morales) na higit ang kanilang pagmamahalan sa kaniyang kasamaan sa pagtatapos ng “Araw Gabi”, na mayroong streaming ang final episode via TFC Online (www.TFC.tv) sa October 1

Napatunayan man nina Adrian (JM de Gizman) at Mich (Barbie Imperial) na matibay ang kanilang pag-ibig, masusubok ito sa kanilang pagharap sa isa na namang masamang balak ni Celestina (Vina Morales) sa pagtatapos ng “Araw Gabi”, na napapanood sa labas ng Pilipinas via The Filipino Channel (TFC), na mayroong streaming ang final episode sa karamihan ng bansa sa mundo via TFC Online (www.TFC.tv) sa October 12.

Matapos ang ilang taong pagkakawalay ay muli ng nabuo ang pamilya ni Mich sa muling pag-iisang dibdib nina Virgilio (Raymond Bagatsing) at Harriet (Ara Mina), sa tulong na rin ni Adrian.

Ngunit hindi pa tapos ang lahat dahil nagbalik si Celestina para guluhin sila sa katauhan ni Odessa (Rita Avila), matapos niyang ipagaya ang mukha ng ina ni Adrian. Unti-unting lalasunin ni Celestina ang mga relasyon nina Adrian at Mich, at nina Virgilio at Harriet upang paglayuin ang kanilang mga loob.

Mayroon pa rin isa pang ilalarong baraha si Celestina na maaaring ikasira ng pamilya de Alegre at maging ng pag-iibigan nina Mich at Adrian.

Ano ang gagawin ni Celestina para sirain sina Adrian at Mich, at maging ang pamilya de Alegre? Kaya ba itong lampasan nina Mich at Adrian?

‘Wag palalampasin ang pagtatapos ng “Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi”, na napapanood sa labas ng Pilipinas via TFC, at mayroong streaming ang final episode sa karamihan ng mga bansa via TFC Online (www.TFC.tv) sa October 12 at 4:35 P.M. (Manila time).

Maaaring balikan ang mga nagdaang episodes via TFC Online (www.TFC.tv) at TFC IPTV sa karamihan ng mga bansa sa mundo.

Para sa updates tungkol sa show, bisitahin ang TFC Facebook page na angkop sa inyong kinaroroonan. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.

No comments:

Post a Comment

Jamie Foxx and Cameron Diaz star in BACK IN ACTION, premiering November 15

On Wednesday, May 15th at 1pm PT, Netflix debuted the first-look photos and launch date for its upcoming action film, Back in Action. The fi...