Monday, November 5, 2018

Maris Racal, Inigo Pascual, Moira Dela Torre, KZ Tandingan at Aegis naghahanda na para sa “One Music X Abu Dhabi 2018”

Isang weekend na hindi malilimutan ang ipinangakong iiwan ng limang OPM artists na ito para sa mga dadalo sa “One Music X Abu Dhabi 2018”

Tumitindi na ang pananabik ng mga taga-hanga nina Maris Racal, Inigo Pascual, Moira Dela Torre, KZ Tandingan at ng bandang Aegis dahil ilang linggo na lang ay mapapaood na nila silang mag-perform nang live sa gaganaping “One Music X Abu Dhabi 2018” sa November 9, sa Mubadala Arena, Zayed Sports City.

Mula sa matagumpay na “One Music X Dubai” noong 2017, ang “One Music X” na inorganisa ng Star Music, MOR 101.9, Myx, One Music PH at The Filipino Channel (TFC) ay itinuturing na isang primyadong Filipino-produced music festival sa Middle East kung saan nagkakasama-sama ang mga overseas Filipinos at non-Filipinos sa isang weekend na puno ng musika at kasiyahan kasama ang pamilya at mga kaibigan.


Una na sa mga kinasasabikang makitang performance sa “One Music X Abu Dhabi 2018” stage ay mula kina Maris Racal at Inigo Pascual, na kung tawagin ng fans ay MarNigo.

Sabik na ang MarNigo na makilala ang kanilang mga taga-hanga sa Middle East na todo ang suporta sa kanilang mga proyekto, kahit pa malayo sila sa Pilipinas.

Ani Maris, “Sa totoo lang po hindi ko ine-expect na ma-meet ko sila. I feel very blessed na makakasama ako dito sa One Music X.”

Habang si Inigo naman, masaya na muling makapag-perform para sa kanila, matapos niya makilala ang mga ito noong nakaraang taon. “Excited na ako maka-bonding silang lahat and just to perform for them,” saad ni Inigo.

Ang isa naman sa mga breakthrough artists ngayon na si Moira Dela Torre ay hinahangaan hindi lamang dahil sa kaniyang hugot songs, pero maging dahil sa kaniyang kakaibang estilo sa pag-awit.

Kung siya ang tatanungin, tingin niya ay tinatangkilik ang kaniyang musika dahil sa makatotohanang mensahe nito. “I think it’s the authenticity. I think more than it being music, tingin ko po it is a means for people to know that they are not alone. May iba rin na pareho sa pinagdadanan nila. So, I feel my music is more like a friend to the listeners,” paliwanag niya.

Abangan sa “One Music X Abu Dhabi 2018” ang Christmas song na isinulat ni Moira para sa mga overseas Filipinos, na una niyang aawitin sa naturang music festival.

Si KZ Tandingan naman, isang pambihirang performance ang muling inihahanda para sa kaniyang pagbabalik sa “One Music X” stage.

Nais ni KZ na sa bawat pagtatanghal ay mayroong bagong masasaksihan ang kaniyang mga taga-hanga, na paraan niya na rin para paghusayin pa ang sarili.

Aniya, “Naniniwala ako na dapat palagi mong i-challenge ang sarili mo. Lagi you stay out of your comfort zone kasi that is where the magic happens and that’s when you grow as an artist. Gusto ko po paniwalaan na kahit feeling ko nagawa ko na lahat ng kaya ko gawin, feeling ko may mapipiga at mapipiga pa ako sa sarili ko.”

Kaya naman, kung namangha na kayo sa kaniyang mga performance sa “Singer 2018” sa China, lalo pa kayong hahanga kay KZ sa magiging performance niya sa “One Music X Abu Dhabi 2018”.

Bagama’t marami ng naging pagtatanghal overseas, hindi pa rin daw nawawala ang pagkasabik ng OPM rock band na Aegis na magtanghal para sa mga overseas Filipinos. Lalo pa at pinagdiriwang nila ang kanilang ika-20 taon sa industriya.

Kaya naman ang tanong ng marami, ano ang sikreto sa matatag na samahan ng kanilang grupo? Simple lang ang naging sagot nila: “‘Yong samahan po namin okay po, tapos ‘yong respeto po namin sa isa’t isa hindi nawawala.”

Sabayan ang Aegis sa pagkanta ng all-time favorite hits nila tulad ng “Halik” at “Basang-Basa sa Ulan”, at pakinggan ang mga bago nilang awitin mula sa kanilang bagong album na Aegis 20 Years and Beyond na kanilang kakantahin sa “One Music X Abu Dhabi 2018”.

Huwag na magpahuli! Ayain na ang pamilya at mga kaibigan at magsama-sama sa isang hindi-malilimutang weekend sa “One Music X Abu Dhabi 2018”, na gagnapin sa November 9 sa Mubadala Arena, Zayed Sports City.

Mabibili ang mga tickets sa mga sumusunod na halaga: Platinum sa halagang AED 275; Gold sa halagang AED 195; at Silver sa halagang AED 135. Para makabili ng tickets, bisitahin ang link na ito: http://bit.ly/1MXAbuDhabi2018Tickets. Maaari rin bumili sa mga on-ground ticket sellers: Hot Palayok; Asian Inasal; Ortego’s Deli sa Al Wahda at Hamdam branches; Café Tribu; Zoom Tourist Club, at sa Virgin Megastore branches sa Al Wahda Mall, Abu Dhabi Mall, at Al Ain Jimi Mall.

Para sa updates tungkol sa event, bisitahin ang emea.kapamilya.com/events/middle-east/one-music-x-abu-dhabi or facebook.com/TFCMiddleEast. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.

No comments:

Post a Comment

Regina Song to Bring “Fangirl: The Tour” to Manila next month!

Singapore-based singer-songwriter Regina Song is set to make her highly anticipated Philippine debut with Fangirl: The Tour next month. The ...