Sunday, October 21, 2018

Jed Madela, Handa Na Sa Unang Solo Concert Sa Big Dome

Karaniwang ipinagdiriwang ni Jed Madela ang kanyang showbiz anniversary ng may pasabog, at hindi ito naiiba ngayong taon dahil mamarkahan niya ang ika-15 taon sa industriya sa pamamagitan ng kauna-unahan niyang solo concert sa Araneta Coliseum na pinamagatang “Higher than High: the 15th Anniversary Concert” na magaganap sa Nobyembre 16 (Biyernes), 8 PM.
“Pangarap ng bawat mang-aawit na tumayo sa entablado at sumigaw ng ‘Good evening, Araneta!’ Excited at kinakabahan ako. Excited dahil sa wakas ay magpeperform ako ng solo sa Big Dome at kabado dahil may pressure na punuin ang Araneta,” kwento ni Jed.

Ayon pa sa kanya, ang manager niya ang nakaisip ng titulo ng concert. “Naisip niya ito base sa inaasahan ng audience sa akin kapag ako’y magpeperform—ang pag-awit ng big songs. Power belting, kumbaga. Pero higit sa pag-awit ng ganyan, ang goal ko talaga para sa concert na ito ay dalhin ang audience sa next level, yung tipong may goosebumps bawat number.”

Nagsimula si Jed at ang kanyang team sa pagbuo ng show sa simula ng taon at proud siya sa kanilang paghahanda para siguraduhin na magiging maganda ang “Higher than High: the 15th Anniversary Concert.”

“Pinaghandaan namin ang lahat ng numbers, lalo na yung opening,” kwento niya. “Simula pa lang, pasabog na, promise. Major goosebumps talaga! Ayokong magspoil ng sorpresa, pero sasabihin kong magsisimula ang show pagtungtong pa lang sa venue.”

Ibinahagi din ni Jed na handog niya ang pinaka-inaabangang show sa mga sumuporta sa kanya simula ng kanyang pagpasok sa industriya—mula sa paglabas niya ng unang album, ang “I’ll Be Around,” hanggang sa kanyang pagsali sa 2005 World Championships of Performing Arts, at ngayon sa kanyang estado bilang magaling na OPM artist.

“Grateful ako sa mga sumuporta since day one. Wala man akong fans na nag-aabang at tumitili, alam kong may mga supporters akong walang sawa sa pagbibigay halaga. Hanggang sa merong mga tao na nais marinig ang pagkanta ko, patuloy ako sa pag-awit.”

Mula sa direksyon ni Marvin Caldito ang “Higher than High: the 15th Anniversary Concert”. Makakasama ni Jed ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra—sa pamumuno ni Maestro Gerard Salonga—at ang Philippine Madrigal Singers.

No comments:

Post a Comment

Regina Song to Bring “Fangirl: The Tour” to Manila next month!

Singapore-based singer-songwriter Regina Song is set to make her highly anticipated Philippine debut with Fangirl: The Tour next month. The ...