Nagbabalik ang Queen of Media Kris Aquino at ang tambalang Joshua Garcia and Julia Barretto sa modern romance na tatalakay sa kung paanong ang katotohanan ang makakapagbaliktad ng sitwasyon
Bilang pagpapatuloy ng ika-25th anniversary ng Star Cinema, isang engrandeng film comeback at balik-tambalan ang handog ng ang film production at distribution unit ng ABS-CBN sa “I Love You Hater”.
Ang contemporary movie na mapapanood sa labas ng bansa via TFC@theMovies simula July 19, ang pagbalik-pelikula ng Queen of Media na si Kris Aquino. Huling napanood sa pelikulang “Feng Shui” noong 2014, nagbabalik si Aquino sa isang genre na madalas niyang kinalabasan bago siya nagawi sa linya ng horror.