Saturday, June 23, 2012

Voting for Yahoo! Philippines OMG! Awards down to its final week


It’s only a week before the most popular celebrities online will be awarded at the 2012 Yahoo! OMG! Philippines Awards on Friday, July 6 at the SM Mall of Asia Arena.

Stars from GMA Network compete in 20 categories in this year’s Yahoo! OMG! Awards, which is based on the most-searched celebrities based on the trending metric in the Yahoo! Philippines Search Engine.

Kapuso royalty Dingdong Dantes is nominated in the Actor of the Year category, while his girlfriend, primetime superstar Marian Rivera and Makapiling Kang Muli lead actress Carla Abellana are both nominated in the Actress of the Year category.

Marian Rivera and Sam Pinto are the nominees in the Celebrity of the Year category, while Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. is a nominee in the Celebrity with Major Impact category. 

Sunday, June 17, 2012

Ang PINAKA: Masaklap na Showbiz Break Up 2012

Showbiz is never complete without these high-profile celebrity couples who, sadly, have parted ways. Which among them was the most talked-about and has created the most impact in the industry and among the fans? This Sunday, get your pens and notepads ready as your favorite list-and-survey-infotainment show, ‘Ang Pinaka’ lists down the ‘Ang Pinaka: Masaklap na Showbiz Breakup.’

Joining host Rovilson Fernandez are guest panelistas: former Philippine Movie Press Club President and Pep.ph contributor Rommel Gonzales, Inside Showbiz Executive Director Rikka Dy Lim and 103.5 DW WOW FM Radio DJ Mister Fu.

Find out the Top 10 “Ang Pinaka: Masaklap na Showbiz Breakups” this Sunday on ‘Ang Pinaka,’ June 17, 2012 at 6:20PM on GMA News TV.

Friday, June 15, 2012

iJuander... Totoo Nga Bang Hindi Pa Pambansang Bayani Si Rizal?

Alam nyo ba kung anu- ano ang mga pambansang simbolo ng Pilipinas?
 
Marahil ang sagot mo sa kung ano ang pambansang hayop ay  kalabaw! Ang pambansang prutas – Mangga!  At ang pambansang dahon – Anahaw!
 
Pero ang totoo, hindi mga lehitimong naideklara ng batas bilang pambansang simbolo ang mga bagay na ito!

Kasama na rito ang ating kinikilalang pambansang bayani – Si Jose Rizal.

Thursday, June 14, 2012

Pinoy Adventures in Kalinga

Ngayong Linggo, huwag magpaiwan sa bagong adventure ni RICHARD GUTIERREZ sa kinikilalang ecotourism discovery destination of the north, ang probinsiya ng KALINGA.

Sa kanyang pag-akyat sa bulubunduking Cordillera, makakatikim ng masarap na salubong si Richard Gutierrez mula sa mga tagarito.  Isang panciteria ang kanyang dadayuhin para matikman ang pansit batil patung---ang Tuguegarao version ng stir fried noodles na ginagamitan ng karne ng kalabaw!  Pero bago siya kumain, niyaya siya ng may-ari na magluto.  Papasa nga kaya ang kanyang timpla sa mga taga Tuguegarao?

Wednesday, May 16, 2012

"PRINCESS AND I" PASOK SA TOP 3 TV PROGRAMS SA PILIPINAS


Pasok agad sa top 3 overall TV programs ng Pilipinas ang Primetime Bida royal teleserye ng ABS-CBN na “Princess and I” tampok ang ‘prinsesa ng primetime’ na si Kathryn Bernardo kasama ang powerhouse cast nito na sina Albert Martinez, Gretchen Barretto, Precious Lara Quigaman, Dominic Ochoa, Enrique Gil, Daniel Padilla, at Khalil Ramos. 

Ayon sa pinakahuling datos ng pinagkakatiwalaang Kantar Media na kilala sa pananaliksik sa manonood ng TV sa iba't ibang bansa, nakakuha ng average national TV rating na 28.8% ang “Princess and I” na nagsimula lamang noong Abril 16. 

Dahil sa de-kalibre nitong cast, malikhaing istorya, kakaibang musical score, engrandeng set, at lalo na sa mga magagandang tanawin na kinunan mismo sa bansang Bhutan; patok ang "Princess and I" hindi lang sa national TV ratings kundi maging sa popular na microblogging site na Twitter. Sa katunayan, kamakailan ay anim mula sa 10 top trending topics ng nasabing social networking site ay may kinalaman sa mga karakter at kaganapan dito gaya ng #AngDealNiGinoatMikay #HoldingHands #Tippy #Mikay #Gino at #DanielPadilla. 

Samantala, patuloy ang mga adventures ni Mikay (Kathryn) ngayong pumayag na siyang maging date ng ‘bad boy’ na si Gino (Daniel) kapalit ng perang pangpiyansa ng kanyang ama (Dominic) na nakulong. Ito na ba ang simula ng pagiging malapit nina Mikay at Gino o ito pa ang lalong magpapalala ng kanilang hindi pagkakasundo? Dahil naman sa misyon na ibinigay ng Hari (Albert) kay Jao (Enrique) na pumunta ng Pilipinas, muli bang magkukrus ang landas nila ni Mikay? Ano ang gagawin ni Kiko (Khalil) ngayong may dalawang karibal na siya sa puso ng kaniyang bestfriend?


Huwag palampasin ang “Princess and I” gabi-gabi pagkatapos ng “TV Patrol” sa Primetime Bida. Para sa karagdagang updates, mag-log on lang sa www.abs-cbn.com o i-‘follow’ ang @abscbndotcom sa Twitter.




Tuesday, May 15, 2012

ABS-CBN, BIBIGYANG BUHAY ANG PINOY POP SA "HIMIG HANDOG"


Mga Pilipinong kompositor saan man sa mundo, maaaring sumali sa "Himig Handog: P-POP Love Songs" 

Bilang pagpupugay sa natatanging kakayahan ng mga Pilipinong kompositor, muling inilunsad ng ABS-CBN ang pinakamalaking multimedia songwriting competition na "Himig Handog" na may temang "Pinoy Pop (P-POP) Love Songs." 
  
Sa ikalima nitong taon, muling lilikha ang "Himig Handog" ng kasaysayan sa larangan ng musika sa pagpapatuloy nitong pagtuklas ng de-kalibreng Filipino composers na may mga obra maestra na tiyak na tatatak sa puso ng mga nakikinig at mamahalin ng maraming henerasyon gaya ng ilan sa OPM classic love songs ngayon na sumikat sa pamamagitan ng "Himig Handog" kabilang ang 'Hanggang' na inawit ni Wency Cornejo; 'Kung Ako Na Lang Sana' ni Bituin Escalante; 'Kung Ako Ba S'ya' ni Piolo Pascual; 'Bye Bye Na' ni Rico Blanco; at 'This Guy's In Love With You Pare' ng Parokya ni Edgar. 

Sunday, May 13, 2012

Reel Time presents 'Limang Maria" (A Touching Mother's Day Special airing this Sunday)


Sadyang hindi kayang ipaliwanag ang sakripisyong kayang gawin ng isang Ina: nasa hukay ang kanyang isang paa at may responsibilidad na habang-buhay na kailangang tupdin. Tunay na nag-uumapaw ang kanyang pagmamahal para sa pamilya. Ayon nga sa isang makata na si Robert Browning, sa pagiging ina nagsisimula at nagtatapos ang pagmamahal. Sabi pa nga ng ilan, ito ay isang sukatan ng pagiging isang ganap na babae. Pero ano ang kahihinatnan ng mga babaeng nabuntis nang maaga pero hindi pa handang maging isang ganap na ina?

Si Michelle Abrasaldo ay limang buwan nang buntis. Siya ang panganay sa limang magkakapatid na babae, at siya ang nakasaksi sa lahat ng sakripisyo ng kanilang yumaong ina sa loob ng maraming taon. May malungkot man siyang nakaraan, siya ay umaasang magbabago ito sa pagdating ng kanyang isisilang na anghel. Hindi na bago sa kanya ang pagkakaroon ng sanggol. Sa katunayan nga, mas nauna pa ang kanyang mga nakababatang kapatid na magbuntis at magkaroon ng anak. Ang mga anghel na ito ang nagbibigay daw sa kanila ng kaligayahan. Dalawa sa kanila ang naging ina sa murang edad.

Si Emily, ang bunso sa magkakapatid, ay naging ina sa edad na dise-sais. Tumigil sa pag-aaral, nakaasa siya sa kanyang kinakasama at kasalukuyang buntis din. Si Armen naman, dise-syete anyos nang malaman niyang siya ay nagdadalantao. Buong araw, wala siyang ibang ginagawa kundi alagaan ang kanyang limang-buwang anak na lalaki. 

Ang Limang Maria ay istorya ng limang magkakapatid na babae: tatlo sa kanila ang buntis, isang hindi sapat ang kakayahan upang maitaguyod ang kanyang tatlong anak, at isang naninindigang hindi matulad sa kanyang mga kapatid. Subaybayan ang kanilang kwento sa Reel Time, GMA News TV sa Araw ng mga Ina ngayong Mayo 13, Linggo, sa ganap na 8:45 ng gabi.

Brace for impact as Gerard Butler’s action thriller ‘Plane’ touches down on Lionsgate Play this April 25

A routine flight turns into a fight for survival in Plane, starring Gerard Butler and Mike Colter Imagine having to take an emergency landin...