Showing posts with label GMA 7. Show all posts
Showing posts with label GMA 7. Show all posts

Wednesday, July 25, 2012

GMA-7 mamimigay ng milyon milyon!


Nakatakdang mamahagi ng mahigit P15 million cash ang GMA-7 sa pamamagitan ng pinaka-bago at pinaka-engrande nitong promo campaign na Kapuso Milyonaryo! 

Simula July 30 hanggang September 23, may labing-isang Kapuso ang mabibiyayaan at tatangghaling mga bagong milyonaryo. 

May apat na idedeklarang surprise winners ng P1 million, at 35 weekly winners ng tig-10,000 pesos sa Kapuso Milyonaryo winners plugs na mapapanood sa GMA at GMA News TV (GNTV). 

Thursday, June 14, 2012

Pinoy Adventures in Kalinga

Ngayong Linggo, huwag magpaiwan sa bagong adventure ni RICHARD GUTIERREZ sa kinikilalang ecotourism discovery destination of the north, ang probinsiya ng KALINGA.

Sa kanyang pag-akyat sa bulubunduking Cordillera, makakatikim ng masarap na salubong si Richard Gutierrez mula sa mga tagarito.  Isang panciteria ang kanyang dadayuhin para matikman ang pansit batil patung---ang Tuguegarao version ng stir fried noodles na ginagamitan ng karne ng kalabaw!  Pero bago siya kumain, niyaya siya ng may-ari na magluto.  Papasa nga kaya ang kanyang timpla sa mga taga Tuguegarao?

Wednesday, March 28, 2012

Traditional Drama balwarte na ng GMA Afternoon Prime

Afternoon soaps ng Kapuso, tinatangkilik sa buong bansa 



Kung noon ay telefantasya ang entertainment genre na maituturing na balwarte ng GMA-7, ngayon pati traditional drama genre binakuran na rin ng Kapuso Network sa Afternoon Prime block nito.
Patunay dito ang malaking panalo sa ratings ng mga programang panghapon ng GMA-7 hindi lamang sa Mega Manila at Urban Luzon, maging sa National Urban Philippines din.
Ayon sa January 1 – March 16, 2012 data ng mas pinagkakatiwalaang ratings data provider na Nielsen TV Audience Measurement, wagi ang buong Afternoon Prime programming block (Weekdays, 2:30pm – 6:30pm) ng GMA-7 sa National Urban Philippines.  Nakakuha ang GMA ng household rating na 14.6 pts., samantalang ang ABS-CBN ay nakakuha lamang ng 10.9 pts. at ang TV-5 ay 6.6 pts.  Ang GMA-7 ay nagkamit ng audience share na 36.9% samantalang ang ABS-CBN ay nakakuha lamang ng 27.5% at ang TV5 ay 16.8%.

Thursday, February 2, 2012

Spooky Valentine’ mananakot ngayong Pebrero


Matapos ang Spooky Nights noong 2011, isang Spooky Valentine naman ang ihahatid ng GMA-7 ngayong Pebrero 2012.

Sa unang salvo ng Spooky Valentine, itatampok ng programa sina Bianca King at TJ Trinidad sa episode na “Maestra,” na isang kwentong tungkol kay Elena (Bianca King), isang magaling na teacher na nahawaan ng pagiging aswang matapos magvolunteer sa isang liblib na probinsiya.  Doon ay nakilala niya ang isang misteryosong babaeng babago sa takbo ng buhay niya.  Nang bumalik si Elena sa kanyang pamilya, unti-unting napansin ng kanyang asawang si Nestor (TJ Trinidad) at ng kanyang anak na kakaiba na ang ikinikilos ito.  Ang dating mapagmahal na asawa at ina ay naging ganap na aswang! 

Ngunit ang pagiging aswang ni Elena ay hindi sapat para talikuran ni Nestor ang kanyang asawa.  Ipaglalaban niya ito, at kung mangangahulugang papatay rin siya para mabuhay ang kanyang asawa, gagawin niya ito.  Ngunit paano ipaglalaban ni Nestor ang asawa kung siya mismo ay gusto nang mamatay? 

Abangan ang mga katakot-takot na pangyayari sa Spooky Valentine presents “Maestra” ngayong Sabado, February 4, pagkatapos ng Manny, Many Prizes sa GMA-7.

Kai Buizon captures the magic of romantic serendipity in new track “Milagro”

The song was inspired by the Japanese concept of Koi No Yokan, which reveals a more nuanced and intuitive take on “love at first sight” Risi...