Showing posts with label GMA News TV. Show all posts
Showing posts with label GMA News TV. Show all posts

Sunday, August 6, 2017

Drew Arellano Explores The Countryside

Drew Arellano is having the time of his life visiting the countryside. For Drew, to travel is to learn: learn from people, learn of their history and culture.

On a recent episode of Biyahe Ni Drew, Drew was brought to a little known town called Capul in Northern Samar. As viewers travel with him, they get to know that Capul is a shortened word for Acapulco, a trading post in Mexico, because that particular town in Northern Samar served as guidepost for the Acapulco-Manila Galleon trade. There still stands the lighthouse that served as guide to ships plying that route. Audiences also learned that though Samar speaks  the Waray dialect, Capul has a distinct language only known to them called Inabaknon with influences from Austronesian language, a language spoken among coastal places in Southeast Asia. 

Thursday, April 7, 2016

Tim Yap and Divine Lee reveal their sweet spot for animals With AnimaLife TV

Explore the animal kingdom and get to know more about its various species with AnimaLife TV, a kid-friendly animal show that promises to capture its viewers with a fresh and exciting take on the world of animals.

The show sets its scope to a broader perspective, exploring not only about pets and the domesticated animals, but also the exotic and wild—all in a gentle manner fit for the young and the young at heart.

Hosted by known trendsetters Tim Yap and Divine Lee, AnimaLife TV encompasses four segments.

Friday, October 30, 2015

Bea Binene Turns 18

GMA Artists Center Star Bea Binene feels thrilled to open a new chapter in her life. Among the teen idols of this generation, Bea has been one of the most promising stars who exhibited passion in the performing arts. 

For years she has been developing her talents and she maintains being on top of her game by joining workshops, trying challenging roles, and honing her hosting skills.

As she turns 18 this November, the actress is already planning ahead and practicing to prepare for her future. "Marami pa akong gustong patunayan sa sarili ko. I want to know more about myself, and discover the new avenues for my craft. Marami pa rin po akong gutsong matutunan, so I'm preparing myself for whatever life has to offer," admits the Kapuso star.

Wednesday, May 13, 2015

I Juander’s 4th Anniversary Palawan Special

Apat na taon na ang I Juander! Ngayong Mayo, ipagdiriwang namin ito sa aming 2-part Special Palawan Episode ngayong May 13, at 20, 2015.

Sa Unang bahagi ng Palawan Special, tutuklasin nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ang mga natatagong yaman ng Palawan at kung bakit nga ba ito ang tinaguriang last frontier ng bayan ni Juan.

Monday, March 2, 2015

Biyahe Ni Drew Month-Long Anniversary Special

This March, Biyahe ni Drew dares all biyaheros to leave their comfort zone, review their travel bucket lists and TRY SOMETHING DIFFERENT! Professional traveller and most recent DOT’s Tourism Star awardee Drew Arellano goes to four scenic and memorable locations to celebrate Biyahe ni Drew’s 2nd anniversary.

March 6: Siargao

To kick off this month-long anniversary celebration, Drew goes surfs up on the famous Cloud 9 of Siargao. Here, he discovers that the famous surfing destination has a lot more to offer than barrelling waves. It also features unique rock formations where daredevils can cliff dive. In Magpupungko Beach, there are natural pools where one can leisurely swim. There are also dune buggy and crocodile hunting tours for those looking for an extra rush of adrenaline.

Saturday, May 24, 2014

Lifestyle Made Fun with Philip!

Lifestyle is simply a life lived in style. There are many styles, choices and preferences. Philip Abadicio wants to make sure that we all have fun while living our different lifestyles in his latest TV show, “Fun with Philip,” on GMA News TV every Saturday and Sunday from 3:00 to 3:30 p.m. starting on June 14, 2014. 


He was meant to be a lifestyler. After finishing college in U.P. Diliman, Philip and his pals setup Wild Life, a clothing store catering to cool high school and college kids. They used the heartthrobs and sweethearts of the top schools and this marketing strategy gave them sales beyond their expectations. The lifestyle editor of the Manila Times took notice of Wild Life and invited Philip to be a contributor. 

Tuesday, October 23, 2012

POP TALK FOOD TR.I.P. (Restos near Sementeryos)


Pagkatapos dumalaw sa sementeryo tuwing Undas, marami sa ating mga Pinoy ang nakaugalian nang gawin ang 'pagpag,' o ang pagpunta muna sa ibang lugar bago umuwi para raw hindi sumunod ang mga espiritu sa bahay.  Kadalasan sa kainan ang diretso, isang okasyon na rin para sa pamilya na mag-bonding at magsalu-salo.

Kaya naman naghanap ang Pop Talk ng tatlong restawran na ilang hakbang lang ang layo sa tatlong pinakamalalaking sementeryo sa Kalakhang Maynila.  Ang tampok na restos ay ang Thai Resa sa Chinese Cemetery na authentic Thai dishes ang inihahain, Redragon Buffet Restaurant sa Manila North Cemetery na P168 lang ang eat-all-you-can buffet, at ang The Room Upstairs sa Manila South Cemetery.  Huhusgahan ng ating Pop Talk reviewers ang tatlong restos na ito base sa criteria na 'food,' 'place' at 'price.' Alin kaya sa mga ito ang pop o flop? 

Wednesday, August 15, 2012

Ang PINAKA: Patok Na Comfort Food Sa Tag-Ulan


Comfort food is food that is always associated with a sense of home, nostalgia, or sentimental appeal. These are dishes that always give us an ‘Anton Ego moment’ where we are instantly transported back to childhood or to a special feeling of contentment.

This Sunday, ‘Ang Pinaka’ brings you a list of some of the most favorite Pinoy comfort food on a cold, rainy Sunday night in the top ten ‘Ang Pinaka: Patok na Comfort Food sa Tag-ulan.’  Joining host Rovilson Fernandez for the ‘tikiman time’ are field correspondents Maey and Betong and guest correspondent Boobay.

Find out the Top 10 “Ang Pinaka: Patok na Comfort Food sa Tag-ulan” this Sunday, Aug. 19, 6:30 PM on GMA News TV 11.

Wednesday, July 25, 2012

GMA-7 mamimigay ng milyon milyon!


Nakatakdang mamahagi ng mahigit P15 million cash ang GMA-7 sa pamamagitan ng pinaka-bago at pinaka-engrande nitong promo campaign na Kapuso Milyonaryo! 

Simula July 30 hanggang September 23, may labing-isang Kapuso ang mabibiyayaan at tatangghaling mga bagong milyonaryo. 

May apat na idedeklarang surprise winners ng P1 million, at 35 weekly winners ng tig-10,000 pesos sa Kapuso Milyonaryo winners plugs na mapapanood sa GMA at GMA News TV (GNTV). 

Sunday, June 17, 2012

Ang PINAKA: Masaklap na Showbiz Break Up 2012

Showbiz is never complete without these high-profile celebrity couples who, sadly, have parted ways. Which among them was the most talked-about and has created the most impact in the industry and among the fans? This Sunday, get your pens and notepads ready as your favorite list-and-survey-infotainment show, ‘Ang Pinaka’ lists down the ‘Ang Pinaka: Masaklap na Showbiz Breakup.’

Joining host Rovilson Fernandez are guest panelistas: former Philippine Movie Press Club President and Pep.ph contributor Rommel Gonzales, Inside Showbiz Executive Director Rikka Dy Lim and 103.5 DW WOW FM Radio DJ Mister Fu.

Find out the Top 10 “Ang Pinaka: Masaklap na Showbiz Breakups” this Sunday on ‘Ang Pinaka,’ June 17, 2012 at 6:20PM on GMA News TV.

Friday, June 15, 2012

iJuander... Totoo Nga Bang Hindi Pa Pambansang Bayani Si Rizal?

Alam nyo ba kung anu- ano ang mga pambansang simbolo ng Pilipinas?
 
Marahil ang sagot mo sa kung ano ang pambansang hayop ay  kalabaw! Ang pambansang prutas – Mangga!  At ang pambansang dahon – Anahaw!
 
Pero ang totoo, hindi mga lehitimong naideklara ng batas bilang pambansang simbolo ang mga bagay na ito!

Kasama na rito ang ating kinikilalang pambansang bayani – Si Jose Rizal.

Sunday, May 13, 2012

Reel Time presents 'Limang Maria" (A Touching Mother's Day Special airing this Sunday)


Sadyang hindi kayang ipaliwanag ang sakripisyong kayang gawin ng isang Ina: nasa hukay ang kanyang isang paa at may responsibilidad na habang-buhay na kailangang tupdin. Tunay na nag-uumapaw ang kanyang pagmamahal para sa pamilya. Ayon nga sa isang makata na si Robert Browning, sa pagiging ina nagsisimula at nagtatapos ang pagmamahal. Sabi pa nga ng ilan, ito ay isang sukatan ng pagiging isang ganap na babae. Pero ano ang kahihinatnan ng mga babaeng nabuntis nang maaga pero hindi pa handang maging isang ganap na ina?

Si Michelle Abrasaldo ay limang buwan nang buntis. Siya ang panganay sa limang magkakapatid na babae, at siya ang nakasaksi sa lahat ng sakripisyo ng kanilang yumaong ina sa loob ng maraming taon. May malungkot man siyang nakaraan, siya ay umaasang magbabago ito sa pagdating ng kanyang isisilang na anghel. Hindi na bago sa kanya ang pagkakaroon ng sanggol. Sa katunayan nga, mas nauna pa ang kanyang mga nakababatang kapatid na magbuntis at magkaroon ng anak. Ang mga anghel na ito ang nagbibigay daw sa kanila ng kaligayahan. Dalawa sa kanila ang naging ina sa murang edad.

Si Emily, ang bunso sa magkakapatid, ay naging ina sa edad na dise-sais. Tumigil sa pag-aaral, nakaasa siya sa kanyang kinakasama at kasalukuyang buntis din. Si Armen naman, dise-syete anyos nang malaman niyang siya ay nagdadalantao. Buong araw, wala siyang ibang ginagawa kundi alagaan ang kanyang limang-buwang anak na lalaki. 

Ang Limang Maria ay istorya ng limang magkakapatid na babae: tatlo sa kanila ang buntis, isang hindi sapat ang kakayahan upang maitaguyod ang kanyang tatlong anak, at isang naninindigang hindi matulad sa kanyang mga kapatid. Subaybayan ang kanilang kwento sa Reel Time, GMA News TV sa Araw ng mga Ina ngayong Mayo 13, Linggo, sa ganap na 8:45 ng gabi.

Thursday, February 2, 2012

Spooky Valentine’ mananakot ngayong Pebrero


Matapos ang Spooky Nights noong 2011, isang Spooky Valentine naman ang ihahatid ng GMA-7 ngayong Pebrero 2012.

Sa unang salvo ng Spooky Valentine, itatampok ng programa sina Bianca King at TJ Trinidad sa episode na “Maestra,” na isang kwentong tungkol kay Elena (Bianca King), isang magaling na teacher na nahawaan ng pagiging aswang matapos magvolunteer sa isang liblib na probinsiya.  Doon ay nakilala niya ang isang misteryosong babaeng babago sa takbo ng buhay niya.  Nang bumalik si Elena sa kanyang pamilya, unti-unting napansin ng kanyang asawang si Nestor (TJ Trinidad) at ng kanyang anak na kakaiba na ang ikinikilos ito.  Ang dating mapagmahal na asawa at ina ay naging ganap na aswang! 

Ngunit ang pagiging aswang ni Elena ay hindi sapat para talikuran ni Nestor ang kanyang asawa.  Ipaglalaban niya ito, at kung mangangahulugang papatay rin siya para mabuhay ang kanyang asawa, gagawin niya ito.  Ngunit paano ipaglalaban ni Nestor ang asawa kung siya mismo ay gusto nang mamatay? 

Abangan ang mga katakot-takot na pangyayari sa Spooky Valentine presents “Maestra” ngayong Sabado, February 4, pagkatapos ng Manny, Many Prizes sa GMA-7.

Friday, January 6, 2012

FOLLOW THAT STAR: Ruby Rodriguez

Araw-araw natin siyang napapanood sa longest-running television show na Eat Bulaga. Pagdating sa pagpapatawa at hosting, pasok ang style niya sa masa kaya naman labinlimang taon na siyang Dabarkads.


Ngayong Sabado sa Follow That Star, kilalanin si Ruby Rodriguez sa harap at likod ng camera.  Bubuksan ni Ruby ang kanyang cute na retro house, kolektor kasi siya ng mga antique na gamit.  Sa bahay, hilig din ni Ruby ang pagtatanim ng mga halaman.  Ito raw ang paraan niya para magrelax. Kapag wala naming  taping, sinisigurado rin niya na may bonding siya at ng kanyang asawa kasama ang tatlo niyang anak. 

Tinutukan ng Follow That Star si Ruby mula bahay, taping hanggang sa kanyang  mga personal na lakad.  Lahat ng kanyang kakulitan, huling-huli ng camera; kasama ang kanyang pamilya pati na sina Tito, Vic & Joey at lahat ng Dabarkads.  Ang katrabahong si  Allan K daw ang matalik na kaibigan ni Ruby kaya naman hindi niya pinalampas na dumalo  sa birthday ng kaibigan.


Sundan ang kwelang buhay ni Ruby Rodriguez sa Follow That Star, Sabado, 7:55 PM sa GMA News TV.

FRONT ROW presents “PAG-AHON SA PUTIK”


Isa sa pinakamapinsalang bagyong naranasan ng Pilipinas sa kasaysayan ang Bagyong Sendong. Mahigit isang libo ang nasawi, libu-libo ang nawalan ng tahanan at kabuhayan, milyun-milyon ang halaga ng pinsalang iniwan.

Tatlong linggo mula nang maganap ang trahedya, bakas pa rin ang matinding epektong dulot ni Sendong. 

Marami pa ang hindi natatagpuan ang kanilang mga kaanak.  Libu-libo ang parang sardinas na nagsisiksikan sa mga evacuation center at hindi malaman kung saan at paano muling sisimulan ang kanilang buhay. 

Miley Cyrus releases new global single & visual “End of the World” from Something Beautiful

Miley Cyrus unveils her new global single “End of the World,” the next chapter of her highly anticipated album, Something Beautiful, out May...