Friday, June 15, 2012

iJuander... Totoo Nga Bang Hindi Pa Pambansang Bayani Si Rizal?

Alam nyo ba kung anu- ano ang mga pambansang simbolo ng Pilipinas?
 
Marahil ang sagot mo sa kung ano ang pambansang hayop ay  kalabaw! Ang pambansang prutas – Mangga!  At ang pambansang dahon – Anahaw!
 
Pero ang totoo, hindi mga lehitimong naideklara ng batas bilang pambansang simbolo ang mga bagay na ito!

Kasama na rito ang ating kinikilalang pambansang bayani – Si Jose Rizal.


Mula elementary hanggang kolehiyo itinuturo na sa atin na si Rizal ang opisyal na pambansang bayani pero ayon sa National Historical Commission of the Philippines of NHCP hindi pa ito naisasabatas.

Kaya ngayon sa bisperas ng kaarawan ni Rizal, aalamin ng I Juander kung si Rizal nga ba talaga ang dapat na ituring na National Hero ng Pilipinas!

Sa isang social experiment, inalam natin ang pulso ng masang Pinoy. Ano kaya ang kanilang magiging reaksyon sa usaping ito? May magpapabaril kaya sa Bagumbayan para lang ipagtanggol si Rizal?

Ano naman kaya ang reaksyon ng grupong Knights of Rizal na maraming taon na ring kumikilala sa buhay at gawa ni Dr. Jose Rizal sa pagkakabatid sa katotohanang hindi pa deklarado ng batas na si Rizal nga ang pambansang bayani? May mga hakbang kaya silang pinaplanong gawin upang maisabatas ang pagiging pambansang bayani ng kanilang iniidolo?

Ang lahat ng mga tanong na ito sasagutin ng I Juander Kaya tumutok lang ngayong Lunes ganap na alas-diyes ng gabi sa GMA News TV 11.

No comments:

Post a Comment

A Heartfelt Journey of Faith and Redemption: “Paquil” Brings Tradition to Life in a Powerful New Film Starring Beauty Gonzalez and JM de Guzman

Resiko Entertainment Production proudly unveils "Paquil", a stirring and culturally rich film exploring themes of faith, identity,...