
Sa kanyang pag-akyat sa bulubunduking Cordillera, makakatikim ng masarap na salubong si Richard Gutierrez mula sa mga tagarito. Isang panciteria ang kanyang dadayuhin para matikman ang pansit batil patung---ang Tuguegarao version ng stir fried noodles na ginagamitan ng karne ng kalabaw! Pero bago siya kumain, niyaya siya ng may-ari na magluto. Papasa nga kaya ang kanyang timpla sa mga taga Tuguegarao?