Wednesday, March 28, 2012

Traditional Drama balwarte na ng GMA Afternoon Prime

Afternoon soaps ng Kapuso, tinatangkilik sa buong bansa 



Kung noon ay telefantasya ang entertainment genre na maituturing na balwarte ng GMA-7, ngayon pati traditional drama genre binakuran na rin ng Kapuso Network sa Afternoon Prime block nito.
Patunay dito ang malaking panalo sa ratings ng mga programang panghapon ng GMA-7 hindi lamang sa Mega Manila at Urban Luzon, maging sa National Urban Philippines din.
Ayon sa January 1 – March 16, 2012 data ng mas pinagkakatiwalaang ratings data provider na Nielsen TV Audience Measurement, wagi ang buong Afternoon Prime programming block (Weekdays, 2:30pm – 6:30pm) ng GMA-7 sa National Urban Philippines.  Nakakuha ang GMA ng household rating na 14.6 pts., samantalang ang ABS-CBN ay nakakuha lamang ng 10.9 pts. at ang TV-5 ay 6.6 pts.  Ang GMA-7 ay nagkamit ng audience share na 36.9% samantalang ang ABS-CBN ay nakakuha lamang ng 27.5% at ang TV5 ay 16.8%.
Buwena mano sa GMA Afternoon Prime ang Hiram na Puso na pinagbibidahan nina Gina Alajar, Gardo Versoza, Ayen Laurel, Candy Pangilinan at itinatampok sina Mark Herras, Polo Ravales, Bela Padilla at Kris Bernal.  Mula nang mag-pilot ang nasabing programa ay hindi pa ito nagugunaw ng kalabang programa.  Mula March 5 – 16, 2012 ay nakakuha ito ng average household rating na 14.1 pts. nationwide samantalang ang katapat nitong show ay nakakuha lamang ng rating na 9.1 pts.
Very good din ang nationwide ratings performance ng The Good Daughter nina Kylie Padilla, Rocco Nacino, LJ Reyes, introducing Max Collins kasama sina Raymond Bagatsing, Alicia Mayer, Dion Ignacio, Ervic Vijandre, Angelie Nicole Sanoy at Ms. Luz Valdez. Nakakuha ito ng average household ratings na 14.6 pts. mula nang mag-pilot ito noong February 13 hanggang March 16, habang ang katapat nitong show ay nakakuha lamang ng 11.5 rating points.
Ang Broken Vow naman ay lamang ng 5.5pts. sa katapat nitong programa sa national ratings mula nang mag-pilot ito noong February 6 hanggang March 16.  Nakakuha ito ng 14.1 household rating points samantalang ang katapat naman nitong programa ay nakakuha lamang ng 8.6 pts.  Ang Broken Vow ay pinagbibidahan nina Gabby Eigenmann, Luis Alandy, Rochelle Pangilinan at Bianca King.  Kasama rin sa cast sina Celia Rodriguez, Pancho Magno, Jace Flores, Lou Sison, Juan Rodrigo at Carmi Martin.
Maging ang fantasy-drama series na Alice Bungisngis na pinagbibidahan nina Jean Garcia, Janno Gibbs, Sheena Halili at tweenstars Lexi Fernandez, Derrick Monasterio kasama sina Jake Vargas at Bea Binene ay patuloy na tinatangkilik ng mga kapuso lalo na sa Urban Luzon at Mega Manila na may mataas na bilang ng TV households sa buong bansa. Mula nang mag-pilot ito noong February 6 hanggang March 16 ay nakakuha ito ng average household rating na 14.1 pts. sa Urban Luzon samantalang ang katapat nito ay nakakuha lamang ng 12.5 pts. (Maria La Del Barrio) at 12.1 pts. (Wako Wako).  Mas mataas naman ang panalo nito sa Mega Manila kung saan nakakuha ito ng average rating na 14.1 pts habang ang katapat nitong programa ay nakakuha lamang ng 11.6 pts (Maria La Del Barrio) at 11.2 pts. (Wako Wako). Ito ay base sa data mula February 6 (pilot airing) hanggang March 16.  Kasama rin sa cast ng Alice Bungisngis sina Irma Adlawan, Buboy Garovillo, Roy Alvarez, Alicia Alonzo, Benjie Paras, Sef Cadayona, Lenlen Frial, at introducing Marc Justine Alvarez.
Ilang Kapuso Stars na rin ang napasikat ng Afternoon Prime ng GMA na talaga namang inaabangan ng maraming mga manonood dahil sa kakaibang istorya at konsepto ng mga programa sa timeblock na ito.  Dito mas nahasa ang talento at galing sa pag-arte ng mga artistang tulad nina Kris Bernal, Jackie Rice, Sarah Lahbati, Kylie Padilla, Rocco Nacino, Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Bea Binene, Louise delos Reyes, Alden Richards, Jake Vargas, among others
Huwag palampasin ang bawat eksena sa mga panalong programa ng GMA Afternoon Prime, Lunes hanggang Biyernes sa GMA.

No comments:

Post a Comment

Regina Song to Bring “Fangirl: The Tour” to Manila next month!

Singapore-based singer-songwriter Regina Song is set to make her highly anticipated Philippine debut with Fangirl: The Tour next month. The ...