Wednesday, July 25, 2012

GMA-7 mamimigay ng milyon milyon!


Nakatakdang mamahagi ng mahigit P15 million cash ang GMA-7 sa pamamagitan ng pinaka-bago at pinaka-engrande nitong promo campaign na Kapuso Milyonaryo! 

Simula July 30 hanggang September 23, may labing-isang Kapuso ang mabibiyayaan at tatangghaling mga bagong milyonaryo. 

May apat na idedeklarang surprise winners ng P1 million, at 35 weekly winners ng tig-10,000 pesos sa Kapuso Milyonaryo winners plugs na mapapanood sa GMA at GMA News TV (GNTV). 


Bukod dito, may karagdagang 7 sponsor winners pa ang mag-uuwi ng P1 million each sa finale na gaganapin sa September 29 sa Manny Many Prizes. 

"Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mamimigay ng ganitong kalaking papremyo ang GMA pagkatapos ng marami nang matagumpany na promo campaigns. Nais naming ibahagi ang aming tagumpay at biyayaan ang mga tapat na Kapuso dahil kung hindi sakanila ay hindi kami magiging number 1," ayon kay GMA Marketing and Productions, Inc. (GMPI) Vice-President of Sales, Riza D. Garduque. 

Kaisa ng GMPI sa proyektong ito ang GLOBE PREPAID, REBISCO CRACKERS, NESCAFÉ 3in1, NESTEA ICED TEA, BEAR BRAND BUSOG LUSOG FAMILY CEREAL DRINK, YAKULT PROBIOTIC DRINK, at CRISPY FRY BREADING MIX 

Para sumali, ipunin lamang ang mga Proof of Purchase (POP) requirements at ilagay sa isang envelope kasama ang papel na may pangalan, address, edad, contact number, at pirma. 

Sa likod ng envelope ay isulat ang "Kapuso Milyonaryo", brand ng POP, petsa, at lugar kung saan naninirahan. Para sa karagdagang mechanics sa pagpapadala ng electronic entries ay abangan lamang ang daily plugs sa GMA at GMA News TV na hatid ng iba't ibang Kapuso stars. 

Maaaring ihulog ang mga entries hanggang September 23 sa GMA Network Center, GMA Regional stations, GMA Radio stations, o sa mahigit 300 Mercury Drugstore branches nationwide as per DTI-NCR Permit No. 4687, series of 2012. 

Maaaring ikaw na ang maging susunod na Kapuso Milyonaryo! Para sa karagdagang detalye sa pagsali, manood ng Kapuso Milyonaryo mechanics plug at solo POP plugs ng bawat sponsor, hanapin ang mga posters o bumisita sa www.gmanetwork.com/Kapusomilyonaryo

No comments:

Post a Comment

Jamie Foxx and Cameron Diaz star in BACK IN ACTION, premiering November 15

On Wednesday, May 15th at 1pm PT, Netflix debuted the first-look photos and launch date for its upcoming action film, Back in Action. The fi...