Thursday, April 25, 2019

Pag-ibig ang mananaig kina Jericho Rosales, Yam Concepcion, Yen Santos, at Sam Milby sa pagtatapos ng “Halik”

Alamin ang kahihinatnan ng mga karakter nina Lino, Jade, Jacky, at Ace sa pagtatpos ng “Halik”, na mayroong streaming ang huling episode sa April 26 via TFC Online (www.TFC.tv)

Mas matindi at mas palaban ang magiging tapatan nina Lino (Jericho Rosales), Jade (Yam Concepcion), Jacky (Yen Santos), at Ace (Sam Milby) ngayong pagdaraanan na nila ang pinakamatitinding hamon na pilit maglalayo sa kanila sa pagmamahal at karapatang kanilang inaasam sa huling natitirang episodes ng teleseryeng “Halik”, na napapanood sa karamihan ng mga bansa sa labas ng Pilipinas via TFC, na mayroong streaming ang final episode sa April 26 via TFC Online (www.TFC.tv).

Patuloy ngang panggi-gigilan ng mga manonood ang mga kaganapan dahil sa kasamaan nina Ace at Jade, na parehong gagawin ang lahat para makatakas mula sa batas at mailayo si baby CJ mula kay Lino. Ang pagmamahal naman sa anak ang gagamiting sandata ni Lino para mabawi si baby CJ at makakatulong niya rito si Jacky, na patuloy ding ibibigay ang suporta niya hanggang sa huli.

Ngunit buhay ang maaaring maging kapalit ng kanilang tapatan dahil parehong malalagay sa bingit ng kamatayan sina Jade at Jacky, na dahilan naman para magbago ang daang tatahakin ni Lino para makuha ang hustisyang inaasam. Pero sa kabila ng mga buhay na posibleng mawala, ipagpapatuloy pa rin ni Ace ang kasakiman at sisiguraduhing makaganti kay Lino gamit sina Jade, Jacky at anak nitong si CJ.

Sino nga kaya ang magwawagi sa laban nila? Kanino nga kaya nila ibibigay ang kanilang huling halik?

Samantala, maituturing ngang isa sa pinakapinag-usapang serye ang “Halik” na hinahangaan din ng marami dahil sa mga aral na hatid ng bawat karakter. Kinabiliban si Lino dahil sa kaniyang dedikasyong gawin ang tama at maging ama para sa kaniyang anak. Nagpakita naman ng katapangan si Jacky at pinatunayang kaya rin ng mga babaeng ipaglaban ang kanilang sarili.

Bagama’t masama sa tingin ng iba, nagpakita ng katatgan si Jade bilang isang ina na handang isakripisyo ang sarili para sa kaniyang anak. Ang buhay naman ni Ace ang patunay na may kapalit ang lahat ng kasakiman at mas maiging gumawa ng kabutihan para makuha ang tunay na kaligayahan.

Bukod sa tinututukan ito sa karamihan ng mga ansa sa mundo via TFC, umabot na rin sa Africa ang kuwento nina Lino, Jade, Jacky, at Ace dahil napapanood na rin ang “Halik” sa Tanzania mula noong Pebrero.


Huwag palagpasin ang kapana-panabik na pagtatapos ng “Halik” na mapapanood sa karamihan ng mga bansa sa mundo via TFC. Mayroong streaming ang huling episode ng programa kasabay ng local airing nito via TFC Online (www.TFC.tv) sa April 26 sa ganap na 9:15 p.m. (Manila time).

Maaarin rin balikan ang mga nagdaang episodes via TFC Online (www.TFC.tv) at TFC IPTV sa karamihan ng mga bansa sa mundo.

Para sa updates tungkol sa TFC shows, bisitahin ang TFC Facebook page na angkop sa inyong kinaroroonan. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.

No comments:

Post a Comment

Jamie Foxx and Cameron Diaz star in BACK IN ACTION, premiering November 15

On Wednesday, May 15th at 1pm PT, Netflix debuted the first-look photos and launch date for its upcoming action film, Back in Action. The fi...