Friday, April 5, 2019

Arci Muñoz at JM de Guzman, magtatambal sa pelikula sa kauna-unahang pagkakataon

Pawin ng saya at kilig ang tag-init sa pelikulang hatid nina Arci Muñoz at Guzman, ang 'Last Fool Show.'

Sa ilalim ng direksyon ni Eduardo Roy Jr., ang kwento ng 'Last Fool Show' ay umikot kay Mayessa (Arci), isang premyadong manunulat at direktor sa larangan ng indie na nabigyan ng pagkakataong makagawa ng pelikula sa isang sikat na kompanya. 

Blang kanyang unang proyekto, siya at naatasang gumawa ng isang romantic-comedy na pelikula bagamat wala siyang ideya kung paano. Kahit may pag-aalinlangan, naisip niya at ng kanyang mga kaibigan na gawing pelikula ang sariling karanasan sa dating kasintahan na si Paulo (JM). 

Habang pilit niyang binubuhay ang kanilang mga alaala, maiwasan kaya niya kung manumbalik din ang damdamin kasama ng mga alaala? 

Mula sa produksyon ng ABS-CBN Films-Star Star Cinema, N2, and Emba, ang 'Last Fool Show' ang kauna-unahang pagtatambal nina Arci at JM na matagal nang magkaibigan mula pa nung sila ay nasa kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas. 

"15 ako no'n, 16 siya. Mga 2005 'yon, " pagbabahagi ni Arci. "Malaking bagay 'yon na magkatrabaho kami ngayon, sobrang komportable." Ayon naman kay JM, "nung mga panahon na 'yon, nagtatrabaho kami behind the scenes. Kami nag-aayos ng costume, ng props na gagamitin sa play." 

Matatandaang si Roy Jr., na siya ring sumulat ng pelikula, ang director ng pinag- usapang pelikula sa Cinemalaya 2016 na 'Pamilya Ordinaryo.'

Kasama sa 'Last Fool Show' sina Jaymee Katanyag, Alora Sasam, Via Antonio, VJ Mendoza, Chamyto Aguedan, Kris Janson, Victor Silayan, Erin Ocampo, Pat Sugui, Cholo Barretto, Josef Elizalde, Menggie Cobarrubias, Gina Alajar, Arlene Muhlach, at Bibeth Orteza. 

Ang Last Fool Show' ay ipapalabas ngayong lka-10 ng Abril sa mga sinehan.




No comments:

Post a Comment

A Heartfelt Journey of Faith and Redemption: “Paquil” Brings Tradition to Life in a Powerful New Film Starring Beauty Gonzalez and JM de Guzman

Resiko Entertainment Production proudly unveils "Paquil", a stirring and culturally rich film exploring themes of faith, identity,...