Friday, September 11, 2015

MUST DATE THE PLAYBOY: Kaya Bang Sirain Ng Isang Lalaki Ang Pagkakaibigan Ng Matalik Na Magkaibihan?

Naitanong na din ni Tori, na ginagampanan ni Kim Chiu sa bagong movie series na Must Date The Playboy, ang tanong na kinailangan niyang itanong kay Zach, na ginagampanan naman ni Xian Lim: Can I be your girlfriend?

Plano ito lahat ni Chloe, ang character ni Jessy Mendiola. Gusto ni Chloe na i-date ng kanyang best friend na si Tori ang playboy na si Zach.

Dahil best friends sila mula pa nung bata pa sila, marami nang pinagdaanan sina Tori and Chloe, at gagawin nila ang lahat para matulungan ang isa’t isa. Sa Must Date The Playboy, humingi ng tulong si Chloe kay Tori para maturuan ng leksiyon si Zach.

Minsan may mga bagay talaga na ginagawa ang mag-best friends para sa isa’t isa, tulad ng pagtago ng mga bagay bagay sa mga magulang, teacher, o ibang kaibagan. Paano kung humiling ang best friend mo ng isang bagay na hindi ka nagkaroon o isang bagay na hindi mo pa nagagawa kailanman?


Nasa ganoong kalagayan nga si Tori, isang no-boyfriend-since-birth na babae.

Magtagumpay kaya ang plano ni Chloe? Magampanan kaya ni Tori ang pinagagawa sa kanya?

Panoorin ang Must Date The Playboy, para malaman. Ang movie series na ito ay mapapanood lamang sa iWant TV gamit ang ABS-CBNmobile. Ito ang unang movie series ng StarFlix, na resulta ng pagsasanib pwersa ng ABS-CBNmobile at Star Cinema.

Sa halagang P10 lang, lahat ng ABS-CBNmobile prepaid subscribers at ABS-CBNmobile MHP subscribers ay pwede nang manood gamit ang iWant TV app. Ang P10 ay para na sa 1 day unlimited access sa iWant TV.

Mag-text lang ng “iWantv10” sa 2135 para makapanood anywhere, anytime, at pwede pang ulit-ulitin ito, 3G man o WiFi ang access mo. Hindi na rin kailangan ng additional internet load.

I-tweet ang iyong saloobin at nararamdaman tungkol sa Must Date The Playboy gamit ang hashtag na #MustReacttoMustDateThePlayboy.

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com.

No comments:

Post a Comment

Jamie Foxx and Cameron Diaz star in BACK IN ACTION, premiering November 15

On Wednesday, May 15th at 1pm PT, Netflix debuted the first-look photos and launch date for its upcoming action film, Back in Action. The fi...