Sunday, September 27, 2015

Sundan Ang Teen Big 4 Ng Pinoy Big Brither Gamit Ang Mobile

Ang mga taga-subaybay ng Pinoy Big Brother at ng Teen Big 4 ay pwede nang sundan ang paglalakbay at adventure ng grupo kahit saan man sila at kahit anong oras.

Hindi lang pala maghihintay ang Teen Big 4 na sina Ylona Garcia, Bailey May, Franco Rodriguez, at Jimboy Martin para sa big night ngayong nasa labas na sila ng Bahay ni Kuya. Meron pa palang mga tasks na binigay sa kanila.

Sama-sama silang uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya at kailangan nila gumawa ng kanta tungkol sa kanilang mga naranasan at nakita, at kailangan nilang gawin din ito ng music video na gamit ang mga video clips na nakuha sa kanilang paglalakbay.


Panoorin sila mag-perform sa harap ng mga tao sa mga lugar na binisita nila. Alamin din kung ano ang gagawin nila sa kanilang music video.

Makikilala ba nang husto ng mga teen housemates ang isa’t isa? At si Bailey ba magsasalita tungkol sa mga unang araw niya sa loob ng PBB House, lalo na tungkol kay Barbie Imperial na naunang ma-evict? O matatagpuan niya ba ang pag-ibig kay Ylona?

Lahat ng ABS-CBNmobile subscribers ay pwede nang sundan ang mga adventures ng Teen Big 4 gamit ang iWant TV app sa kanilang mobile phones o di kaya sa iWant TV website.

Madali lang ang panonood. Sa mga hindi pa ABS-CBNmobile subscriber, pwedeng kumuha ng ABS-CBNmobile SIM, mag-download ng iWant TV app, magpa-register gamit ang bagong ABS-CBNmobile number, at magpa-load ng at least P10 at mag-text ng “iWantv10” sa 2135.

I-launch lang ang app, o di kaya mag-log on sa iWant TV website, at i-click lang ang “Follow the Teen Big 4 Channel/World.”

Ang P10 load ay pwede na sa 1 day of unlimited access sa iWant TV.

Kumuha na ng ABS-CBNmobile at maging isa sa mga unang makakakita sa Teen Big 4 sa kanilang adventure.

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com.

No comments:

Post a Comment

Jamie Foxx and Cameron Diaz star in BACK IN ACTION, premiering November 15

On Wednesday, May 15th at 1pm PT, Netflix debuted the first-look photos and launch date for its upcoming action film, Back in Action. The fi...