Kung noon ay telefantasya ang entertainment genre na maituturing na balwarte ng GMA-7, ngayon pati traditional drama genre binakuran na rin ng Kapuso Network sa Afternoon Prime block nito.
Patunay dito ang malaking panalo sa ratings ng mga programang panghapon ng GMA-7 hindi lamang sa Mega Manila at Urban Luzon, maging sa National Urban Philippines din.
Ayon sa January 1 – March 16, 2012 data ng mas pinagkakatiwalaang ratings data provider na Nielsen TV Audience Measurement, wagi ang buong Afternoon Prime programming block (Weekdays, 2:30pm – 6:30pm) ng GMA-7 sa National Urban Philippines. Nakakuha ang GMA ng household rating na 14.6 pts., samantalang ang ABS-CBN ay nakakuha lamang ng 10.9 pts. at ang TV-5 ay 6.6 pts. Ang GMA-7 ay nagkamit ng audience share na 36.9% samantalang ang ABS-CBN ay nakakuha lamang ng 27.5% at ang TV5 ay 16.8%.