Showing posts with label TAPE Inc.. Show all posts
Showing posts with label TAPE Inc.. Show all posts

Saturday, August 8, 2015

GMA Fans Day - Star Studded!

Nagsasama-sama ang inyong mga paboritong Kapuso celebrities sa GMA Fans Day 2015 noong July 26 sa SM Mall of Asia Arena.

Nakisaya at nakipag-bonding sa mga Kapuso ang mga News and Public Affairs persanolities, mga artista ng iba’t ibang GMA Drama, talk, entertainment, comedy, varoety shows, mga DJs ng Barangay LS, at mga talents ng GMA Artist Center.

Ilan sa mga dumalo ay ang mga batikang mamahayag na sina Jesica Soho, Mel Tiangco, Arnold Clavio, Vicky Morales at Howie Severino.

Kasama rin nila ang bumubuo ng public affair show na AHA! Alisto, Idol Sa Kusina, Imbestigador, Love Hotline, Kapuso Mo Jessica Soho, Karelasyon, Motorcycle Diaries, Pinoy MD, Powerhouse, Reporter’s Notebook, Startalk, Taste Buddies, Tonight With Arnold Clavio, Tunay Na Buhay, Unang Hirit, Wagas, WIsh Ko Lang, at marami pang iba.

Friday, March 2, 2012

Valiente ng TV5, Lalong Umiinit Ang Kuwento

Walang duda kung bakit minamahal ng sambayanan ang kuwento ng Valiente nang una ito ipinalabas dalawang dekada na ang nakalipas. Kahit na lumipat ito ng istasyon noon, sinundan pa din ito ng mga manonood dahil mahirap bumitiw sa napakagandang kuwento nito.

Ang natatanging kuwentong ito ay natutunghayan na sa bagong henerasyon sa pamamagitan ng dramaseryeng Valiente na napapanood na ngayon sa primetime ng TV5. Hindi matawaran ang ganda ng produksiyon ng makabagong Valiente na sumasailalim sa masusing direksyon ng multi-awarded director na si direk Joel Lamangan.

Mabilis ang takbo ng kuwento ng Valiente at bawat eksena ay tumatatak sa mga manonood. Matapos ang pagkamatay ni Don Armando Braganza (Mark Gil), bulgar na ang kasakiman ni Doña Trining (Jaclyn Jose) na handang gawin ang lahat maangkin lang ang yaman at kapangyarihan ng yumaong asawa. Naganap na ang aksidenteng kumitil sa buhay ni Luming Valiente (Gina Alajar) sa kagagawan ng anak ni Doña Trining na si Theo (Oyo Sotto). Gaano katagal kayang itago  ng mag-ina ang sikretong ito na siguradong sisira sa matalik na pagkakaibigan ni Theo Braganza at Gardo Valiente (JC De Vera)?

Saturday, February 11, 2012

Valiente sa TV5

Ang Pagbabalik ng Pinakamatagumpay na Dramaserye sa Philippine TV

Kapag ang pagmamahal, kasakiman at paghihiganti ang bumalot sa isang malalim na pagkakaibigan, maaari itong mag-udyok upang pasakitan na isang tao ang malalapit sa kanyang puso. Dito umiikot ang isang klasikong istoryang pumukaw sa milyon-milyong manonood na tumutok sa pinakamatagumpay na soap opera sa hapon na ipinalabas sa Philippine TV may dalawampung taon na ang nakalilipas – ang Valiente. 

Matapos ang limang taong matagumpay na pag-ere sa dalawang malaking istasyon, ang Valiente ay nagbabalik upang imibitahang muli ang mga manonood na sumubaybay sa naturang teleserye pati na rin ang bagong henerasyon ng mga manonood na paniguradong makaka-relate sa nakakaantig nitong kuwento dalawang dekada ang makalipas. 

At ngayo’y unang ipapalabas sa primetime TV sa ilalim ng masusing direksyon ng multi-awarded director na si Joel Lamangan, ang Valiente ay sasalamin sa natatanging istorya ng dalawang pamilyang haharap sa hamon ng buhay at magtutunggali upang makamit ang tunay na pagmamahal at katotohanan. Ang napaka-gandang istorya nito ay bibigyang buhay ng magagaling at naglalakihang cast ng bagong henerasyon na pinangungunahan ng mga Kapatid stars na sina Oyo Sotto, Nadine Samonte, Nina Jose at JC De Vera.

Sa Valiente matutunghayan ng mga manonood ang malalim na pagkakaibigan nina Theo Braganza (Oyo Sotto) at Gardo Valiente (JC De Vera) na hahamunin dahil sa kasakiman at ganid na ina ni Theo na si Donya Trining (Jaclyn Jose). Si Donya Trining ang namumuno sa pamilya Braganza at sa kanilang mga negosyo na nagresulta sa pag-aaklas ng mga tauhan nito. Ang alitan ng mga Braganza at Valiente ay lalong pinainit ng pag-iibigan nina Gardo at Maila Braganza (Nadine Samonte). Sina Theo at ang tusong kapatid nilang si Leona (Nina Jose) ay gagawin ang lahat upang hadlangan ang pag-iibigan ng mga ito at makamit ang hangad ni Leona na mapasakanya si Gardo.

Kasama ng bagong henerasyon ng Valiente cast ang mga nirerespeto at tinitingalang aktor sa industriya: Mark Gil, Jaclyn Jose, Gina Alajar at ang tinaguriang orihinal na gumanap bilang Valiente na si Michael de Mesa.

Ipinakikilala din ang mga bagong artistang dapat abangan ng mga manonood sa Valiente na sina Ross Pesigan (Batang Gardo), Liane Valentino (Batang Maila), Czarina Suzara (Batang Leona) at Arvic Rivero (Batang Theo). Kasama din ang mga magagaling na aktor na sina John Regala (Peping), Jim Pebanco (Ariston) at Toni Mabesa (Victorino Penitente).

Ipinagmamalaki din ng Valiente ang natatanging rendisyon ng orihinal na theme song nito na muling kinanta ni Vic Sotto, na siya namang orihinal na singer nito. Ang orihinal na kuwento ng Valiente nito ay  obra ng highly acclaimed scriptwriter na si Gina Marissa Tagasa.

Ang primetime viewing ay paniguradong mas iinit, mas magiging kapana-panabik at mas aabangan sa pagbabalik ng pinakamatagumpay na teleserye ng bansa na magsisimula na ngayong Pebrero 13 sa TV5.
Para sa esklusibong impormasyon tungkol sa Valiente, maging fan on Facebook at follower on Twitter: http://www.facebook.com/TV5Valiente | https://twitter.com/#!/Valiente2012

Miley Cyrus releases new global single & visual “End of the World” from Something Beautiful

Miley Cyrus unveils her new global single “End of the World,” the next chapter of her highly anticipated album, Something Beautiful, out May...