Wednesday, March 7, 2012

Pilot ng "Hiram na Puso" wagi sa nationwide ratings


Win na win sa nationwide ratings ang pilot episode ng pinakabagong afternoon drama series ng GMA-7 na Hiram na Puso (HNP) na pinagbibidahan nina Kris Bernal, Mark Herras, Polo Ravales, Bela Padilla, Ayen Laurel, Gardo Versoza at Gina Alajar.

Ayon sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM) data ng Nielsen, mas mataas ng 5.7 household rating points ang HNP nang mag-pilot ito noong Lunes kaysa sa katapat nitong Mundo Man ay Magunaw (MMM).  Nakakuha ang HNP ng 14.9 pts. habang ang MMM ay nakakuha lamang ng 9.2 pts.  Ang nationwide audience share naman ng HNP ay 40.6% habang ang katapat nito ay nakakuha lang ng 25.1%.


Mas malaki naman ang lamang sa ratings ng pilot episode ng Hiram na Puso sa Mega Manila na kilalang balwarte ng GMA Network.  Nakakuha ito ng 17.5 household rating points at audience share na 46.3%, habang ang MMM ay nakakuha lamang ng rating na 7.4 points at 19.7 % audience share.  Ang pilot episode din ng HNP ang nagtala ng pinakamataas na rating sa afternoon block sa Mega Manila sa araw na iyon.

Mahalaga ang ratings performance ng mga show dahil ito ang karaniwang batayan ng mga advertiser sa paglalagay ng mga commercials nila sa isang programa.  Usually, the higher the ratings, the higher is the commercial loading.  Ito rin ang nagsisilbing sukatan kung ilang tao ba ang nanonood sa isang programa kumpara sa katapat nitong show.  

Tuwang tuwa naman ang bida ng HNP na si Kris Bernal, na bagama't zero ang love life ay todo focus naman sa kanyang bagong soap.  Para kay Kris, malaking reward sa kanya at sa lahat ng bumubuo ng programa ang pagkakamit nito ng mataas na ratings.

"Siyempre, sobrang happy kami nang malaman naming bonggang bongga ang ratings ng pilot episode namin.  Bawing bawi na ang lahat ng pagod, puyat at kaba namin," sabi ni Kris.



Mapapanood ang Hiram na Puso mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime. 

No comments:

Post a Comment

Ben&Ben unveil first-ever “animation-concert” hybrid

The nine-piece collective aims to revolutionize headline shows with an innovative mix of animation, film, and music performances Filipino ba...