
Ayon sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM) data ng Nielsen, mas mataas ng 5.7 household rating points ang HNP nang mag-pilot ito noong Lunes kaysa sa katapat nitong Mundo Man ay Magunaw (MMM). Nakakuha ang HNP ng 14.9 pts. habang ang MMM ay nakakuha lamang ng 9.2 pts. Ang nationwide audience share naman ng HNP ay 40.6% habang ang katapat nito ay nakakuha lang ng 25.1%.