Wednesday, November 4, 2020

Sa Bagong Handong Ng Star Cinema Na "My Lockdown Romance" Mapipilitan Kayong Harapin Ang Nakaraan At Mga Kinalimutang Nararamdaman

“MY LOCKDOWN ROMANCE” ang pinakabagong handog ng Star Cinema. Ito ay kwento ng pag-aayos ng mga nakalimutan pagkakaibigan at pagharap muli sa mga nararamdamang ibinaon na sa limot. Ipapalabas sa November 13, 2020 ang pelikulang ito na pinagbibidahan ni Jameson Blake at Joao Constancia. 

Sa gitna ng lockdown, si TOM (Jameson Blake) ay napilitang harapin ang itinagong mga pilit kinalimuang nakaraan nang biglang bumalik ang kanyang college best friend na si KENDRICK (Joao Constancia) sa Pilipinas mula Hawaii. Ang pelikula ay kwinento sa pag-gamit ng social media at video calls na siyang nakasanayan na nating gamiting ngayong panahon ng pandemya. Pag-uusapan sa kwento na kahit sa panahon ng walang kasiguraduhan, ang sigurado ay may kakayahan tayong subukan ayusin ang mga relasyon na nasira.

Binuo at sinulat ng direktor ng masayang pelikula na ito na si Bobby Bonifacio Jr. Ang “MY LOCKDOWN ROMANCE” ay ang pinakahuling proyekto ng direktor, sinundan nito ang “Hellcome Home” na siya rin mula sa Star Cinema.

Mapapanood na simula November 13, 2020 ang “MY LOCKDOWN ROMANCE” sa halagang P150. Maaarin itong mapanood sa mga sumusunod na Cinexpress channels: KTX.ph (ktx.ph), iWant TFC (tfc.tv), Channel 190 and Channel 290 for HD on Cignal PPV (my.cignal.tv), and channel 158 and channel 258 for HD on Sky Cable PPV (mysky.com.ph).


No comments:

Post a Comment

Filipino electronic music producer crwn marks career milestone with debut album “Séance”

The album also features collaborations with Nadine Lustre, Jess Connelly, Curtismith, Jason Dhakal and more! Photo by Renzo Navarro  crwn’s ...