Monday, November 2, 2020

Award-winning at critically acclaimed film na “Quezon’s Game” ipapalabas sa UAE

Dadalhin sa unang pagkakataon sa United Arab Emirates (UAE) ng ABS-CBN at TFC ang pelikulang “Quezon’s Game,” kung saan mapapanood ang isang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas na tiyak na ipagmamalaki ng bawat Pilipino sa mundo. Ang pelikula na mapapanood na sa UAE simula November 12 ay nagkaroon na nang matagumpay na screening sa sa U.S. at Asia and Pacific, at kakaibang film in concert premiere at screening sa Europe.

Napapanahon ang pagpapalabas nito sa katatapos lamang na pagpirma ng Peace Treaty ng mga bansang UAE at Israel, kung saan ang parehong bansa ay “desiring to establish peace, diplomatic and friendly relations, co-operation and full normalization of ties between them and their peoples,” bukod pa sa ibang nakasaad sa treaty.

Ang “Quezon’s Game” ay ang kuwento kung paanong sina Philippine President Manuel L. Quezon, future U.S. President Dwight Eisenhower, at iba pang mga personalidad ay nagtulong-tulong para iligtas ang mga Jewish refugees mula sa Germany at Austria. Makikita rito ang iba’t ibang pagsubok na kanilang kinaharap para masagawa ito, kasabay na rin ng pakikipaglaban ni Quezon sa sakit na Tuberculosis.

“We hope that through this film, the world could appreciate and celebrate the contribution of the Philippines and its people to the humanity during the dark times in the 1930s. We believe this represents the selflessness and unwavering courage of the Filipinos,” said Joseph Arnie Garcia, Managing Director of ABS-CBN in Europe, Middle East and Africa.

Ang pelikula ay ini-produce ng Star Cinema in association with iWant at Kinetek, at pinagbibidahan nina Raymund Bagatsing, Rachel Alejandro, David Bianco, Billy Ray Gallion, James Paolelli, at Kate Alejandrino.

Ito ay sa direksyon ni Matthew Rosen, isinulat ni Janice Y. Peres at Dean Rosen base sa original story nina Matthew Rosen at Lorena H. Rosen, sa ilalim ni Supervising Producer Marizel S. Martinez at Creative Producers Enrico C. Santos at John Paul E Abellera. Ang mga Executive Producers naman nito ay sina Carlo L. Katigbak, Olivia M. Lamasan, Linggit Tan-Marasigan, at Lorena H. Rosen.

Samantala, ilang international awards na rin ang napanalunan ng “Quezon’s Game”:

2019 IndieFEST Film Awards: “Awards of Excellence” for Lead Actor, Direction, Asian Film, Cinematography, and Original Score

2019 WorldFest-Houston International Film + Video Festival: “Gold Remi Awards” for Best Foreign Feature, Best Director, Best Producer, and Best Art Direction

2019 Cinema World Fest Annual Gala: “Best in Show Grand Champion”

Nakatanggap din ang pelikula ng “Excellence Special Mention” sa 2019 Accolade Global Film Competition; isa sa mga finalists sa Israel’s 2019 Near Nazareth Festival; at isa sa official selection sa 2019 Maryland International Film Festival at 2019 Ramsgate International Film + TV Festival.

Ang “Quezon’s Game” ang unang Filipino-produced film na mapapanood sa UAE cinemas ngayong balik-operasyon na ito simula noong August, matapos pansamantalang isara dahil sa Covid-19 pandemic. Pinayagan na magbukas muli ang mga sinehan basta ito’y susunod sa safety guidelines na inilabas ng gobyerno ng UAE katulad ng operating in limited capacity, pagkakaroon ng social distancing sa loob ng sinehan, at contactless transactions.

Para sa cinema list, bisitahin ang emea.kapamilya.com o bisitahin at i-like ang facebook.com/TFCMiddleEast. For more information, bisitahin ang www.quezonsgame.com.

No comments:

Post a Comment

A Heartfelt Journey of Faith and Redemption: “Paquil” Brings Tradition to Life in a Powerful New Film Starring Beauty Gonzalez and JM de Guzman

Resiko Entertainment Production proudly unveils "Paquil", a stirring and culturally rich film exploring themes of faith, identity,...