Tuesday, July 23, 2019

Mcoy Fundales, inilabas na ang comeback single na 'Bakit Kita Hahabulin?'


Inilabas na ng former Orange and Lemons vocalist na si Mcoy Fundales ang kanyang comeback single na 'Bakit Kita Hahabulin?' sa ilalim ng AltG Records.

Inilarawan ni Mcoy ang kanta, na isinulat ni Kian Dionisio, bilang isang modernong kundiman na tiyak na kukurot sa damdamin ng mga makikinig.

"Namiss ko rin kumanta. My last album was in 2010 so that's almost nine years na. I'm happy and excited kasi for almost five to six years nagsusulat ako for TV, at ngayon, nagre-record na ako ulit ng mga kanta," pagbabahagi ng singer-songwriter.

Parte rin si Mcoy ng creative team ng GMA Network bilang writer at producer ng iba't ibang shows kabilang na ang Pepito Manaloto at StarStruck. Itinuturing niyang "dessert" o isang magandang break sa pagsusulat ang musika.

"This is my hobby, what I always wanted. Itong pagkanta kasi mahal ko at gusto kong gawin. I'm excited to promote this single."

Ang 'Bakit Kita Hahabulin?' ay maaari nang mapakinggan at ma-download sa Apple Music, iTunes, Spotify at iba pang digital stores worldwide.

No comments:

Post a Comment

Jamie Foxx and Cameron Diaz star in BACK IN ACTION, premiering November 15

On Wednesday, May 15th at 1pm PT, Netflix debuted the first-look photos and launch date for its upcoming action film, Back in Action. The fi...