Monday, July 22, 2019

Debut single ng The Clash alumna na si Kyryll, maaari nang mapakinggan na


Ang The Clash alumna at Kapuso Soul Princess na Certified recording artist si Kyryll matapos niyang ilabas ang kanyang debut single na 'Silent Rumblings' sa ilalim ng AltG Records.

Binansagang 'Millennial Chick ng lloilo', ipinahayag ni Kyryll ang kanyang lubos na pasasalamat sa mga taong sumusuporta sa kanya sa patuloy niyang pag-abot ng kanyang mga pangarap.


"I am very honored to be releasing a single. Dati nangangarap lang ako na maging isang recording artist and now, it's finally here. Nagpapasalamat ako sa GMA Network, GMA Artist Center and AltG Records for believing in me."

Kilala ang GMA Artist Center star hindi lamang sa kanyang powerful renditions ng mga kanta, kundi pati na rin sa husay niya sa pagra-rap at pagtugtog ng gitara.

Binahagi niya kung ano ang dapat abangan ng mga makikinig sa kanyang debut' single, "If
there's one word to describe the song, it would be soulful. I can't wait for all of you to hear this wonderful music."

Isinulat ni Bel Andres, maaari nang mapakinggan at ma-download ang 'Silent Rumblings' sa Apple Music, Spotify, at digital stores worldwide.

No comments:

Post a Comment

Jamie Foxx and Cameron Diaz star in BACK IN ACTION, premiering November 15

On Wednesday, May 15th at 1pm PT, Netflix debuted the first-look photos and launch date for its upcoming action film, Back in Action. The fi...