Saturday, July 20, 2019

Inigo, KZ Tandingan, Ogie Alcasid, Zanjoe Marudo, Pia Wurtzbach, at Anne Curtis lilipad sa London para sa “35th London Barrio Fiesta”


Ilang half Filipino artists mula sa United Kingdom magtatanghal din sa taunan at pinakamalaking Filipino Summer festival sa London


Mas malaki at mas pinasayang “London Barrio Fiesta” ang masasaksihan ng lahat sa darating na July 20 at 21 sa Apps Court Farm sa Walton-on-Thames, Surrey near Hampton Court Palace.

Ang “London Barrio Fiesta” ay ang pinakamalaking taunang Summer Filipino festival sa London, na inorganisa ng Philippine Centre sa pakikipagtulungan sa ABS-CBN Corporation, sa pamamagitan ng TFC, ang flagship brand ng subsidiary ng ABS-CBN na ABS-CBN Global.

Pero bilang pagdiriwang ng 65th anniversary ng ABS-CBN at 25th anniversary ng TFC, inihahandog ng “35th London Barrio Fiesta” ang Filipino Beats x Eats, ang kauna-unahang Filipino food at music festival sa London kung saan bukod sa pagmamalaki sa mundo ng kultura at talentong Pinoy, masasaksihan din ang talento ng mga half-Filipino artists na naka-base sa United Kingdom.


Makikisaya sa unang araw ng pagdiriwang sina Inigo na kamakailan ay naglabas ng bagong single na “Options”, matapos ang kaniyang U.S. trip kung saan nagtanghal siya sa Viacom Headquarters sa Times Square, Manhattan; at KZ Tandingan na naging bahagi ng Chinese singing contest na “Singer 2018”, kung saan nakasama niya at natalo sa isang round ang British singer na si Jessie J.

Makakasama rin nila sa araw na iyon ang ilang half-Filipino artists na gumagawa na ng pangalan sa U.K. music scene na sina Clarissa Mae, Chloe Bagrag, Clencha, MC Zani, Tara Flanagan, Josh Lomat, Lailana Music, Ooberfuse, Andreah, at Angeloumae Bondad.

Magtatanghal naman para sa lahat sa ikalawang araw ng kasiyahan sina singer-songwriter Ogie Alcasid, heartthrob Zanjoe Marudo, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, at singer-actress-host Anne Curtis.

Tikman naman ang iba’t ibang pagkaing inihanda ng tatlo sa pinakasikat na Filipino resto sa London: ang Romulo Café, Barbecue Dreamz, at Mamason. Matitikman naman ulit ang ilan sa mga paboritong Pinoy street foods sa Fili Bites booth.

Dapat din abangan ang iba’t ibang aktibidad na siguradong kaaaliwan ng lahat, tulad ng Palarong Pinoy kung saan masusubukan ng mga bata ang mga larong sikat sa mga Pilipino. Habang exciting rides at masasayang laro naman ang puwedeng gawin sa Fun Fair.

Huwag na magpahuli, bumili na ng tickets online via http://bit.ly/LBF2019Tickets. Ang General Admission tickets ay mabibili sa halagang £4.99 sa bawat araw ng event, habang ang VIP tickets naman ay mabibili sa halagang £46.90 sa bawat araw ng event at £82.60 para sa parehong araw ng event. All prices are inclusive of the online booking fee.

Maaari rin bumili ng add-on parking ticket para sa parking sa Apps Court Farm sa halagang £10 per day.

Kaya ayain na ang pamilya at mga kaibigan, at sama-samang makisaya sa “35th London Barrio Fiesta” sa July 20 at 21 sa Apps Court Farm sa Walton-on-Thames, Surrey near Hampton Court Palace.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa event, bisitahin ang emea.kapamilya.com o bisitahin at i-lik ang facebook.com/TFCEurope. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.

No comments:

Post a Comment

A Heartfelt Journey of Faith and Redemption: “Paquil” Brings Tradition to Life in a Powerful New Film Starring Beauty Gonzalez and JM de Guzman

Resiko Entertainment Production proudly unveils "Paquil", a stirring and culturally rich film exploring themes of faith, identity,...