at makabagbag-damdaming seryeng "Nang Ngumiti Ang Langit" na magsisimula ngayong Marso 25
Idinerehe ni FM Reyes at Marinette Natividad-de Guzman , ang "Nang Ngumiti ang Langit" ay pinangungunahan nina RK Bagatsing, Cristine Reyes, Kaye Abad, Enzo Pineda, Pilar Pilapil, Matet de Leon, at Keempee de Leon. Makakasama din sa palabas ang child stars na sina Heart Ramos, Miguel Vergara, at Krystal Mejes.
Makikilala dito ang pinakabagong batang magpapangiti sa mga puso ng manonood na si Mikmik, (Sophia Reola), isang masiyahing bata na lumaki sa piling ng inang si Ella (Kaye). Ang masaya nilang pamumuhay ay masisira nang magkasakit ng leukemia ang kanyang ina.
Sa kagustuhang gumaling ang ina, madidiskubre niya ang katotohanang anak pala sa labas
ang kanyang ina ng mga Salvador, isa sa mga pinakamayamang pamilya sa bansa.
Agad siyang hihingi ng tulong kay Divina (Pilar Pilapil) ngunit paaalisin lamang siya nito hanggang sa mamatay ang ina. Susubukan niyang pasukin ang mundo ng mga ito sa pag- asang matatanggap at mabibigay din nito ang pagmamahal na naramdaman niya sa ina. Ngunit sa pagtapak niya sa bahay ng mga Salvador, labis na paghihirap ang mararanasan ni Mikmik sa kamay nina Divina at manugang nito na si Katrina (Cristine Reyes) na hindi pa rin makalimot sa kasalanan ng tatay nitong si Michael (RK Bagatsing), ang anak ng mortal nilang kaaway, na siyang tinuturong pumatay sa anak ni Divina na si Eric (Rafa Siguion-Reyna) na siyang asawa naman ni Katrina.
Hanggang kailan kaya pagbabayaran ni Mikmik ang kasalanang hindi siya ang may gawa?
Matupad pa kaya ni Mikmik ang isang buong pamilyang kanyang pinapangarap? Makilala pa kaya niya ang ama?
Ang "Nang Ngumiti ang Langit" ay isa na namang hindi malilimutang kuwento ang handog sa mga manonood ng produksyon ni Ruel S. Bayani, matapos ang matagumpay at dekalibreng mga serye tulad ng "Wildflower," "Hawak Kamay," "Langit Lupa," "Two Wives," "Pasion de Amor," "Halik," "Precious Hearts Romance Presents :Araw Gabi," at "Magpahanggang Wakas."
Sundan ang @RSBDramaUnit sa Facebook, @RSBDramaUnit sa Twitter, at @nangngumitianglangit abs-cbn sa Instagram.
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o kaya'y bisitahin ang www.abscbnpr.com
No comments:
Post a Comment