Monday, March 25, 2019

ABS-CBN series na “Nang Ngumiti ang Langit” pupukaw sa puso ng mga manonood

Bagong child star Sophia Reola ipapaalala ang halaga ng pagpapatawad sa seryeng “Nang Ngumiti ang Langit”, na mayroong streaming ang pilot episode via TFC Online (www.TFC.tv) sa March 25

Pagpapatawad para sa ikabubuo ng pamilya ang mensaheng handog ng ABS-CBN sa bago at nakakaantig na seryeng "Nang Ngumiti Ang Langit" na mapapanood sa karamihan ng mga bansa sa mundo via The Filipino Channel (TFC), at ang pilot episode ay mayroong simulcast streaming sa local airing nito via TFC Online (www.TFC.tv) sa March 25 sa ganap na 11:30 A.M. (Manila time).


Sa ilalim ng direksyon nina FM Reyes at Marinette Natividad-de Guzman, ang "Nang Ngumiti ang Langit" ay pinangungunahan nina RK Bagatsing, Cristine Reyes, Kaye Abad, Enzo Pineda, Pilar Pilapil, Matet de Leon, at Keempee de Leon. Makakasama din sa palabas ang child stars na sina Heart Ramos, Miguel Vergara, at Krystal Mejes. 

Makikilala dito ang pinakabagong batang magpapangiti sa mga puso ng mga manonood na si Mikmik, (Sophia Reola), isang masiyahing bata na lumaki sa piling ng inang si Ella (Abad). 

Ang masaya nilang pamumuhay ay masisira ng malaman ni Ella na siya ay mayroong sakit na leukemia. Sa kagustuhang gumaling ang ina, madidiskubre ni Mikmik ang katotohanang anak pala sa labas ang kaniyang ina ng pamilya Salvador, isa sa mga pinakamayamang pamilya sa bansa. 

Agad siyang hihingi ng tulong kay Divina (Pilar Pilapil) ngunit paaalisin lamang siya nito hanggang sa mamatay si Ella. Susubukang pasukin ni Mikmik ang mundo ng mga Salvador sa pag-asang matatanggap at mabibigay din siya ng mga ito ng pagmamahal na naramdaman niya mula sa ina. 

Ngunit sa pagtapak ni Mikmik sa bahay ng mga Salvador, labis na paghihirap ang mararanasan niya sa kamay nina Divina at manugang nito na si Katrina (Reyes) na hindi pa rin makalimot sa kasalanan ng tatay ni Mikmik na si Michael (Bagatsing), ang anak ng mortal nilang kaaway at siyang tinuturong pumatay sa anak ni Divina na si Eric (Rafa Siguion-Reyna) na siyang asawa naman ni Katrina.

Ang “Nang Ngumiti ang Langit” ay isa na namang hindi malilimutang kuwento ang handog sa mga manonood ng produksyon ni Ruel S. Bayani, matapos ang matagumpay at dekalibreng mga serye tulad ng “Wildflower", "Hawak Kamay", "Langit Lupa", "Two Wives", "Pasion de Amor", "Halik", "Precious Hearts Romance Presents: Araw Gabi", at "Magpahanggang Wakas".

Hanggang kailan kaya pagbabayaran ni Mikmik ang kasalanang hindi siya ang may gawa? Makuha pa kaya ni Mikmik ang pinapangarap na isang buong pamilya? Makilala pa kaya niya ang ama? Alamin ang mga kasagutan sa pagsisimula ng “Nang Ngumiti ang Langit” na mapapanood sa karamihan ng mga bansa sa mundo via TFC. Ang pilot episode ng programa ay mayroong simulcast streaming sa local airing nito via TFC Online (www.TFC.tv) sa March 25 sa ganap na 11:30 A.M. (Manila time).

Maaaring balikan ang mga episodes nito sa karamihan ng mga bansa sa mundo via TFC Online (www.TFC.tv) at TFC IPTV.

Para sa updates tungkol sa show, bisitahin ang TFC Facebook page na angkop sa inyong kinaroroonan. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.






No comments:

Post a Comment

Pinoy rock queens reunite for “TANAW: The Repeat” concert at Newport World Resorts

Due to insistent public demand, Pinoy rock queens Acel Bisa, Aia de Leon, Barbie Almalbis, Hannah Romawac, Kitchie Nadal, and Lougee Basabas...