Saturday, November 17, 2018

Bagong-bagong “ASAP Natin ‘To!” ipagdiriwang ang kwento ng mga kapamilya sa buong mundo

Matapos ang 23 taon ng pagbibigay ng kasiyahan sa bawa’t pamilyang Pilipino tuwing Linggo, bubuksan ng “ASAP” ang entablado para sa mga kwento ng pag-asa, pagmamahal, at inspirasyon ng mga Kapamilya sa buong mundo sa bagong “ASAP” na tatawaging “ASAP Natin ‘To!” simula ngayong Linggo, Nobyembre 18.

Magsisimula ang kwentong Kapamilya sa magkasintahan mula sa Surigao na naantala ang pagpapakasal dahil sa malubhang aksidente. Kapupulutan ng inspirasyon ang patuloy na pagmamahalan nila sa kabila ng malaking dagok sa buhay, kung kaya’t tutulungan ng “ASAP Natin ‘To!” na matupad ang pangarap nilang magpakasal na gaganapin “on air” at live. Kasamang makikibahagi sa kasiyahan ang “ASAP Natin ‘To!” stars na sina Gary Valenciano, Piolo Pascual, Sarah Geronimo, Daniel Padilla, Ogie Alcasid, Moira, Luis Manzano, Ms. Regine Velasquez-Alcasid, at iba pang “ASAP Natin ‘To!” Kapamilya stars.

Samantala, makikisaya at makikisayaw kasama si Iñigo Pascual, Darren Espanto, Jeremy Glinoga, Kyle Echarri at sina MayMay Entrata at Edward Barbers ng MayWard ang mga Zumbalolas mula Cebu, ang kwelang “dancing jail warden” ng Iwahig, Puerto Princesa, Palawan sa viral hit song na “Dahil Sa’yo” ni Iñigo.

Makikipag-heart-to-heart naman si Sarah Geronimo kasama ang mga tatay ng TNT boys na sina Mackie Empuerto, Francis Concepcion, and Keifer Sanchez upang alamin ang saloobin at mga pangarap nila para sa mga anak. Ibabahagi ng mga tatay ng TNT boys kung gaano nila kamahal at tinatanggap ang mga anak kahit na sino pa sila. Abangan ‘din ang pagsasanib pwersa on-stage ng TNT Boys at ni Sarah.

Makikilala rin ang tatlong Kapamilyang nabago ang buhay dahil sa paghanga sa idolong nilang “Asia’s songbird” na si Ms. Regine Velasquez-Alcasid: isang babaeng nilublob ‘din ng ama nito dahil sa kagustuhang gayahin ang pag-eensayo ni Regine at ng ama nito para mas maging malakas pa ang pagbirit; isang promodizer naman na walang humpay ang pagkanta ng mga kanta ni Regine; at isang biritera mula Dubai na nakuha ang mga pangarap dahil sa mga piyesang kaparehas ng kay Regine.

Kaabang-abang ‘din ang pagsasama ng galing at ningning ni Regine at ng “singing champions” ng bansa na sina Angeline Quinto, KZ Tandingan, Jona, Frenchie Dy, Elha Nympha, Janine Berdin, Jed Madela, Marcelito Pomoy, Jason Dy, Mitoy Yonting, Noven Belleza, at Erik Santos sa unang pagkakataon sa “ASAP Natin ‘To!”

Kapanapanabik naman ang kauna-unahang pagsasama ni Ms. Regine Velasquez-Alcasid at Sarah Geronimo sa entablado ng“ASAP Natin ‘To!”

Ang “ASAP” ang pinaka-matagal, multi-awarded at nangungunang musical variety show tuwing Linggo sa telebisyon sa buong Pilipinas na kasalukuyang mapapanood linggo-linggo sa ABS-CBN at umeere sa 20 na bansa at iba pang lugar na mayroong The Filipino Channel (TFC).


Huwag palampasin ang  lahat ng pasabog na ito sa “ASAP Natin ‘To!” ngayong Linggo (Nobyembre 18), 12:00 PM sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Manood online sa iwantv.com.ph  at  skyondemand.com.ph. Sundan ang kanilang Facebook at Twitter (@ASAPOfficial). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

No comments:

Post a Comment

Regina Song to Bring “Fangirl: The Tour” to Manila next month!

Singapore-based singer-songwriter Regina Song is set to make her highly anticipated Philippine debut with Fangirl: The Tour next month. The ...