Wednesday, November 21, 2018

Angel Aquino at Tony Labrusca ipaglalaban ang kalayaang umibig sa pelikulang “Glorious"

Dalawang taong nasa May-December love affair ipaglalaban ang kanilang karapatang piliin ang taong nais nilang mahalin sa pelikulang “Glorious”, mapapanood sa labas ng Pilipinas via TFC Online (www.TFC.tv) simula November 17

Matapang na tatahakin ng mga karakter nina Angel Aquino at Tony Labrusca ang mundo ng pag-ibig sa pagganap nila bilang magkarelasyon sa isang May-December love affair sa “Glorious”, isang original na pelikula mula sa Dreamscape Digital na mapapanood sa loob ng Pilipinas via iWant, ang bagong content-on-demand digital app ng ABS-CBN, at sa karamihan ng mga bansa sa labas ng Pilipinas via TFC Online (www.TFC.tv).

Bago pa man ito mapanood simula Nobyembre 17, maraming netizens ang nagpahayag ng pananabik at naintriga sa full trailer ng pelikula at nakaani na ng higit sa 16.9 milyong views.

Nahikayat din nito ang marami na ibahagi ang kanilang pananaw tungkol sa May-December relationships at ipaliwanag ito mula sa ilang humuhusga sa ganitong relasyon.

Isinulat at idinirek ni Concepcion Macatuno ang “Glorious”, na iikot sa kuwento kina Glory (Aquino), isang 52 taong gulang na brain tumor survivor na mahuhulog ang loob sa lalaking 30 taon ang agwat sa kanya na si Niko (Labrusca).

Sa kabila ng mga problema, makikilala niya ang madiskarte at masigasig na si Niko, ang 22 anyos na lalaking magbabago sa kaniyang buhay.

Bagama’t instant attraction ang mararamdaman ng dalawa, pipilitin nilang patibayin at panindigan ang kanilang pagmamahalan sa kabila ng mga hamon sa kanilang relasyon, kabilang na ang pagkakaiba ng kanilang mga pananaw, agwat sa edad, at ang panghuhusga ng kanilang pamilya at komunidad.

Ipaglaban kaya nina Glory at Niko ang kanilang pag-iibigan hanggang sa dulo? Paano matututunan ni Glory na tibayan ang loob at piliin ang sarili?

Marami man ang naintriga sa ilang eksenang ipinakita nila sa trailer ng pelikula, naniniwala sina Aquino at Labrusca na ang pelikula ay tungkol sa pagkakaroon ng kalayaang mahalin sinuman ang nais nilang ibigin.

Ani Aquino, “Sana palayain natin ‘yong mga sarili natin na, ‘I am in love with this person, I love him very much’ and if he genuinely loves you, he will not feel ashamed holding your hand in public, kissing you every now and then in public kasi pagmamahal naman talaga ang mahalaga.”

“I guess some people would say it is about breaking boundaries, but I think it is so much more about age. It is to show people that you can fall in love with whoever you want to fall in love with. Everybody deserves love, and anybody can find love at whatever age,” saad naman ni Labrusca.

Dahil din sa paksa ng pelikula, maraming netizens ang nagbahagi ng kanilang opinyon tungkol rito. Kahit na ang Broadway Diva na si Lea Salonga ay inihayag ang kanyang excitement at nagsabing umaaasa siyang magiging hit ang “Glorious” para mapag-usapan at mapanood sa pelikula ang kuwento ng mga relasyon sa pagitan ng mas matandang babae at mas batang lalaki.

“Beyond the love scenes its protagonists do, allow it to begin a conversation about seeing older women and younger men on screen,” aniya.

Dagdag pa nito: “Given how utterly beautiful both Angel Aquino and Tony Labrusca are, I am all for it, and wish for their movie Glorious to be a massive hit.”

Pinuri rin ng volleyball star at TV host na si Gretchen Ho ang pelikula at nag-tweet ng, “Great move by #IWant and #DreamscapeDigital for making #Glorious their first exclusive film! Digital doesn’t have boundaries the way TV has.”

Ang “Glorious” ay ang unang handog ng Dreamscape Digital. Ekslusibo itong mapapanood simula ngayong Nobyembre 17 sa bagong iWant, sa pamamagitan ng iOS o Android app sa loob ng PIlipinas. Mapapanood din ito sa karamihan ng mga bansa sa labas ng Pilipinas via TFC Online (www.TFC.tv) simula Nobyembre 17 at 4:00 P.M. (Manila time), free para sa TFC Online Premium subscribers.

Para sa updates tungkol sa show, bisitahin ang TFC Facebook page na angkop sa inyong kinaroroonan at ang facebook.com/iWant. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @iwant sa Twitter, @iwantofficial at @dreamscapedigital sa Instagram, at @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.



No comments:

Post a Comment

Regina Song to Bring “Fangirl: The Tour” to Manila next month!

Singapore-based singer-songwriter Regina Song is set to make her highly anticipated Philippine debut with Fangirl: The Tour next month. The ...