Monday, August 6, 2018

Katapatan nina Jericho Rosales, Yen Santos, Sam Milby at Yam Concepcion susubukin sa “Halik”

Tunghayan kung paanong babaguhin ng panahon, pag-ibig, at kasinungalingan ang kanilang mga buhay sa seryeng “Halik”,

na may streaming ang pilot episode via TFC online (www.TFC.tv)

Isang panibagong kuwento ng pag-ibig ang dapat abangan mula sa ABS-CBN, ang “Halik”, kung saan ang isang wagas na pagmamahalan ay susubukin ng panahon at ng tukso. Pinangungunahan ito nina Jericho Rosales at Yen Santos, na mapapanood sa labas ng Pilipinas via The Filipino Channel (TFC), na mayroong livestream ang pilot episode sa karamihan ng mga bansa worldwide sa August 13 (Manila Time).


Kasamang bibida sa programa sina Sam Milby at Yam Concepcion bilang mga kabiyak na hindi mapagkakatiwalaang tuparin ang mga pinangako sa kasal sa kani-kanilang mga asawa.

Sentro sa kuwento ang naudlot na pagmahahalan nina Lino (Rosales) at Jacky (Santos) na mula pagkabata ay may pagtingin na para sa isa’t-isa. Tututulan ng mga magulang ni Jacky ang kanilang relasyon dahil hindi nila ka-estado ang pamilya ng binata, kaya si Lino na ang kusang lumayo para hindi na lalong masaktan si Jacky.

Makalipas ang ilang taon ay pagtatagpuin silang muli ng tadhana, ngunit parehas na silang kasal sa iba. Si Lino ay kasal na kay Jade (Concepcion), isang babaeng mataas ang ambisyon at hindi basta-basta sumusuko makamit lang ang kaniyang kagustuhan. Si Jacky naman ay kasal kay Ace (Milby), isang mayamang lalaki na bagamat malambing ay may sikretong nililihim.

Sa kanilang muling pagkikita ay susubukan nilang tuparin ang mga pangakong binitawan sa kanilang mga asawa at lalabanan ang pag-ibig na hindi nawala sa kanilang mga puso. Ngunit ano nga ba ang magiging mas matimbang, ang wagas na unang pag-ibig o ang sinumpaang hindi magpadala sa tukso?

Kukumpleto sa palabang cast ng “Halik” ang ilan sa pinakamagaling na beterano at baguhang artista sa bansa kabilang sina Amy Austria, Alan Paule, Precious Lara Quigaman, Romnick Sarmenta, Cris Villanueva, Almira Muhlach, Christian Bables, Hero Angeles, Chai Fonacier, JC Alcantara, Jane De Leon, at Gab Lagman. Ito ay sa direksyon nina Cathy Camarillo at Carlo Po Artillaga, na nasa ilalim ng business unit na pinamamahalaan ni Ruel Bayani.

Huwag palampasin ang nakaiintrigang kuwento ng pag-ibig sa “Halik”, na mapapanood sa labas ng Pilipinas via TFC, ang mayroong livestreaming ang pilot episode simulcast sa local airing nito sa karamihan ng mga bansa worldwide via TFC online (www.TFC.tv) sa Agosto 13, at 9:00 p.m. (Manila time).

Maaari naman balikan ang mga nagdaang episodes via TFC online (www.TFC.tv) at TFC IPTV, sa karamihan ng mga bansa worldwide.

Para sa updates tungkol sa show, bisitahin ang TFC Facebook page na angkop sa inyong kinaroroonan. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.

No comments:

Post a Comment

Regina Song to Bring “Fangirl: The Tour” to Manila next month!

Singapore-based singer-songwriter Regina Song is set to make her highly anticipated Philippine debut with Fangirl: The Tour next month. The ...