Hatid ng numero unong cable channel ng bansa ang inaabangang TV premiere ng award-winning crime thriller na “On The Job,” na mapapanood sa Cinema One ngayong Linggo (Hunyo 29) na.
Ang “On The Job” na ginawa sa direksyon ni Erik Matti ay bahagi ng ika-20 anibersaryo ng Star Cinema. Kasama dito sina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Joel Torre, Joey Marquez, Angel Aquino, Shaina Magdayao, Empress, Leo Martinez, Michael de Mesa, Vivian Velez, at Rayver Cruz.
Ang star-studded cast na ito ay nagbabahagi ng kwento ng apat na lalaking naghihirap at nagtatrabaho para lamang mabuhay at mabigyan ng suporta ang kanilang mga minamahal sa buhay. Ang dalawa sa kanila ay mga dating preso na ginawang hanapbuhay ang pagiging hired killer. Ang isa sa kanila ay si Mario (Joel Torre) na tinatawag din na “Tatang”. Nang siya’y mabigyan na ng parole, intensiyon niya na magkaroon na ng normal na buhay at tahakin na ang tuwid na daan. Si Daniel (Gerald Anderson) naman ay nakasama ni Tatang bilang kanyang apprentice, at napili siya bilang next-in-line na top hired killer. Sa kabilang grupo naman ay ibang mundo ng mga law enforcer at imbestigador na sina Joaquin (Joey Marquez) at Francis (Piolo Pascual), na naguguluhan dahil sa mga isyu ng moralidad sa kanilang trabaho. Sa pagitan ng dalawang grupong ito ay may malabong separasyon ng kabutihan at kasamaan, at doon maglalaro ang lahat, habang tinatakasan ang kamatayan.
Ang “On The Job” ay isa sa 21 na pelikula na lumabas noong Directors’ Fortnight ng 2013 Cannes Film Festival sa Cannes, France. Doon ay nakatanggap ito ng standing ovation na tumagal ng dalawang minuto.
Nakatanggap din ng magagandang rebyu ang “On The Job” mula sa mga foreign at lokal na film critic.
Sinabi ni Justin Chang na senior film critic ng Variety na ang pelikula ay isang “steadily engrossing crime thriller” na may Pinoy flavor kung saan mahusay ang performance ng mga aktor. Sinabi naman sa rebyu ng Film Business Asia na ito ay naging “well-packaged” at dala nito ang isang matalinong ideya.
Huwag palalampasin ang “On The Job” sa TV premiere nito ngayong Linggo (Hunyo 29) sa numero unong movie channel at cable channel ng bansa, ang Cinema One (SkyCable channel 56). Mapapanood ito sa Blockbuster Sundays movie block ng channel ng 8:00pm. Para sa mga update, i-like ang Cinema One sa Facebook (www.facebook.com/Cinema1Channel).
No comments:
Post a Comment